Bilang proyekto sa kolehiyo, pinangunahan nina Kevin Hufana at Kevin Cancamo, a.k.a Geng Geng, ang pagbibigay tulong sa mga bata.
Nais mo rin ba makiisa sa proyektong ito? Narito ang mga detalye para maibahagi ang inyong mga biyaya sa mga nangangailangan.
Sa isang Facebook post ni Kevin Hufana, inanunsyo nito na mayroon siyang proyekto kasama ang kapwa Team Payaman member at ka-eskwelang si Geng Geng.
“Magdo-donate kami ng school supplies sa beneficiaries ng L’Annunziata Parish Church,” aniya kalakip ang litrato ng kura paroko ng nasabing simbahan na si Father Nelson Osorio, OJS, na walang pagdadalawang isip na sinuportahan ang proyekto ng dalawa.
Kids of Malipay Community ang magiging benepisyaryo ng nasabing simbahan sa Muntinlupa City. Ang programang Malipay Scholarship Program ay naglalayong mabigyan ng tulong ang mga kabataan sa nasabing komunidad.
Dagdag pa ni Kevin Hufana, nais nilang maibigay ang mga pangangailangan sa eskwela ng mga bata gaya ng bag, sapatos, polong puti, at mga school supplies na magagamit sa kanilang pag-aaral.
Nananawagan ang Team Payaman members na seryosohin ang nasabing proyekto dahil nais ng mga ito na malayo ang marating ng kanilang pagtulong sa mga bata.
Kung nais mo rin ipa-abot ang iyong tulong para sa mga batang nangangailangan, maaaring ipadala ang kay Kevin ang inyong cash at in-kind donations.
Kahit ikaw ay malayo, maaari mo pa ring ipadala ang iyong tulong sa mga sumusunod na bank accounts:
Tatanggap ng mga cash donations sina Kevin Hufana at Geng Geng hanggang Setyembre 25. Para naman sa in-kind donations, maaaring magpadala ng mensahe sa opisyal na Facebook account ni Kevin Hufana.
Ang lahat ng malilikom sa nasabing donation drive ay personal na iaabot sa nabanggit na parokya sa Setyembre 27.
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.