Lovely Abella and Benj Manalo Welcome Newborn Son

Nitong Sept. 15, 2023 ay ipinanganak na ng social media personality at aktres na si Lovely Abella ang anak nila ng asawang si Benj Manalo.

Marami ang natuwa sa pagdating ng kanilang supling dahilan upang umani ito ng mga pagbati at positibong komento online.

Welcome, Liam Emmanuel!

Kilala ang mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo, a.k.a BenLy, sa kanilang mga palabas sa telebisyon.

Isa rin sa kanilang pinagkakaabalahan ay ang kanilang negosyong BenLy’s Online Shop na nakasama sa nagdaang Team Payaman Fair noong Marso.

Nitong Biyernes lang ay nagbigay buhay si Lovely sa kanyang pangatlo anak na si Liam Emmanuel.

Wala namang paglagyan ang nararamdaman kasiyahan ng amang si Benj matapos masaksihan ang panganganak ng kanyang asawa. 

“Sept 15, 2023 8:08pm my life has changed and I’m so happy. Thank you Lord God!” ani Benj sa isang  Instagram post.

Matapos masaksihan ang paghihirap ng kanyang asawa, isang reyalisasyon ang ibinahagi nito sa netizens.

“Nung mga oras na manganganak na asawa ko, mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay. Naisip ko, wala akong karapatan mag reklamo na pagod ako kasi sila nga grabe ang pinag dadaanan pero laban,” dagdag pa nito.

Hindi aniya pinalampas ni Benj ang bawat sandali na makasama at mapagsilbihan ang asawa mula pa noong nagbubuntis ito.

“Thank you so much! You are indeed a super mom! Thank you for being strong and inspirational to me and our family. I love you so much!”

“Papa, mama, ate and kuya loves you so much!” mensahe naman ni Benj para sa kanilan bunso.

A Mother’s Love

Ilang araw matapos manganak, isang nakakaantig na mensahe naman ang ibinahagi ni Mommy Lovely sa social media.

Binigyang linaw nito ang komento ng ilan sa kanyang litrato habang nanganganak: “‘Di ka man lang nagpaganda!” 

Hindi na itinanggi ng aktres ang hirap ng kanyang mga pinagdaanan mula sa pagbubuntis hanggang sa kanyang panganganak.

“Sa lahat po ng hirap ng pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda, ang gusto ko lang ay mairaos ng healthy ang anak ko,” paliwanag ni Lovely.

Abangan sa kanilang vlog ang mga kaganapan sa likod ng matagumpay na pagpapanganak kay Liam Emmanuel Manalo.

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.