Sa pagpapatuloy ng 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman, nakiisa sa kanilang bagong healthy habit ang isang kaibigan na eskperto pagdating sa kalusugan at medisina.
Sa isang TikTok entry, ibinahagi ni Doc Alvin Francisco ang kanyang workout session experience kasama ang ilang miyembro nng Team Payaman.
Sa unang pagkakataon at sinubukan din ni Doc Alvin ang Ice Bath kasama sina Cong TV, Boss Keng, Junnie Boy, at Bok.
Binista ni Doc Alvin Francisco ang kanyang mga kaibigan sa Congpound at hindi rin pinalampas ang pagkakataon magpapawis sa tinaguriang Congpound Gym.
Sa kanyang TikTok entry, ipinaliwanag ng doktor na vlogger ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang form sa tuwing nag-eehersisyo, partikular na sa weight lifting.
“Mas mahalaga na tama yung form mo kahit hindi ganun kabigat yung binubuhat mo,” ani Doc Alvin.
Ipinasilip din nito ang pagsubok niya sa Ice Bath, kung saan lumulublob sa bath tub o batya na puno ng yelo matapos ang pag-eehersisyo.
“Welcome to the ice club family!” ani Cong TV.
Hindi kumpleto ang TikTok entry ni Doc Alvin kung walang impormasyon na kapupulatan ng aral. Ayon sa nasabing doktor, isa sa benepisyo ng Ice Bath ay ang pagbabawas ng pamamaga ng muscles matapos mag-workout.
“During workout nag-e-exert tayo ng effort dyan, yung mga muscle fiber natin nagkakaroon ng inflamation or namamaga, normal process yon,” paliwanag ni Doc Alvin.
Aniya ang pagsalang sa ice bath matapos ang workout ay magdudulot ng faster recover para sa mga muscles.
“Nakakatulong yung ice bath para matanggal yung lactic acid. So pag natanggal yung lactic acid, mas mabilis din yung recovery ng muscle mo,” dagdag pa nito.
Pero paalala ni Doc Alvin, hindi maaring mag ice bath ang mga may sakit sa puso, na-operahan sa puso at may mga maintenance na gamot para sa highblood at diabetes.
Kung hindi kayang mag-ice bath, maari pa rin aniyang mag recover ang mga muscle pagtapos mag workout sa pamamagitan ng pag stretching at masahe.
Kamakailan lang ay binisita ng renowned culinary expert na si Chef Gordon Ramsay ang bansa…
Kamakailan lang ay lumipad patungong Japan ang mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez upang ipagdiwang…
In case you missed it, VIYLine Group of Companies is heading north for the VIYLine…
Isa ang Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar sa inaabangan ng mga netizens dahil…
Bilang pagsalubong sa bagong taon, ilang pangmalakasang Megalodon dishes ang hatid ng resident chef ng…
There’s no better way to spend your kids’ free time than to let them learn…
This website uses cookies.