Isa ang balanced diet sa mahahalagang aspeto na makakatulong sa pagkakaroon ng “quality transformation” na hinahanap sa Fitness Challenge ng Team Payaman.
Kaya naman naghanda ng healthy meal plan ang resident chef ng grupo na sakto para sa kanyang mga kasamahan na nagnanais magkaroon ng pagbabago sa kanilang pangangatawan at kalusugan.
Isinama ni Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn, ang kanyang mga manonood sa paghahanda ng pang malakasang protein meal para sa Team Payaman.
Sa kanyang bagong vlog, ipinasilip nito ang personal na request ni Cong TV ng isang masustansyang ulam para sa kanyang mga kasamahan.
“Papaluto? Anything na masustansya, high protein na pagkain,” ani Cong.
Maya maya pa ay dumeretso na sa palengke si Chef Enn upang mamili ng mga rekado sa high-protein meal na request ng kanyang Bossing.
Sinimulan ni Chef Enn ang paghahanda sa paglalagay ng mga pampalasa sa manok gaya ng mga sumusunod na herbs and spices:
Matapos haluin ang manok, nagsimula na itong maghiwa ng bawang, sibuyas, baguio beans, carrots, mais, at kamote upang mas maging masustansya ang ihahain.
Sa kumukulong tubig, pinakuluan ni Chef Enn ang baguio beans at carrots na may asin upang mas maluto ang mga ito. Nag gisa din ng bawang at sibuyas si Chef at sunod na hinalo ang naka-marinate na manok.
Sunod nitong ginisa ang mais, baguio beans, at carrots upang tuluyan na itong maluto. Naglagay na lang ang TP chef ng kamote sa bawat lagayan upang kumpletuhin na ang kanyang meal prep.
Tinatayang mayroong 450 calories, 200 grams of protein, 60 grams of fiber, at 40 grams ng carbohydrates ang protein meal na hinanda ni Chef Enn para sa Team Payaman.
Matapos ihanda, personal na ipinamahagi ni Chef Enn ang nasabing protein meal sa kanyang mga kasamahan.
Laking pasasalamat naman ng mga ito sa inihandang pagkain ni Chef Enn na makakatulong sa pag-abot ng kanilang “quality transformation”
“Wow, wow wow wow! Sarap!” reaksyon ni Cong TV.
Hindi lang Team Payaman ang natuwa sa protein meal ni Chef Enn dahil pati ang mga manonood nito ay natuwa sa kanyang ibinahaging recipe.
@cheskamalabanan2937:”Chef, thank you for this! More videos nito Chef, sulit na easy meal prep healthy baon sa work!”
@iantvesp2333: “More videos pa na ganito chef, para may sundan kami na recipe”
@advisebypeachie: “Hello chef, gusto ko itong content mo, tamang tama sa amin mga gusto mag-bawas ng timbang!”
Watch the full vlog below:
Mula sa pagbabahagi ng kanyang “buhay estudyante” sa kanyang mga vlogs at TikTok content, isang…
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
This website uses cookies.