Hindi napigilan ng netizens na madismaya sa naging resulta ng elimination para sa 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman kung saan natanggal sina Carding Magsino at Kevin Hermosada.
Sa bagong episode ng daily vlog serye ni Cong TV, buong tapang nitong ipinaliwanag ang dahilan sa likod ng kontrobersyal na eliminasyon.
Sinagot ni Cong TV ang paratang na diumanoy “luto” o may plot twist ang naganap na elimination round. Pero sa kanyang bagong vlog, ipinaliwanag ng 31-anyos na vlogger ang tunay na dahilan sa pagkakatanggal nina Kevin at Carding sa hamon.
Pero bago ang lahat, nagbahagi muna ito ng mga trivia sa sinasabing “quality transformation” na hinahanap sa Fitness Challenge ng Team Payaman.
“Nage-gets ko ‘yung frustration n’yo kasi wala namang nagpaliwanag,” bungad nito.
Aniya, ang criteria ng kanilang “quality transformation” ay ang pag-gain ng muscle at pagbabawas ng body fat. Dagdag pa nito na magandang tulog, magandang ehersisyo, at well-balanced diet ang susi sa nasabing transpormasyon.
Ayon pa kay Cong, ang calorie deficit ang isa sa mga mahahalagang hakbang sa pagbawas ng timbang kung saan gagamitin ng katawan ang nakaimbak na taba ng isang tao na magsisilbing enerhiya nito para sa buong araw.
Isa rin aniya sa mga pagkakamali ng mga nagpapapayat ay ang pagca-crash diet kung saan kulang ang calories na nakokonsumo ng isang tao dahilan upang hindi maging kalidad ang kanilang transpormasyon.
Ayon sa physical therapist ng grupo, ang mga naligwak sa Fitness Challenge ay nabawasan ng timbang kasabay ng pagkawala ng kanilang mga muscle.
“‘Yung mga na-eleminate, sila ‘yung may pinakamataas na nabawas sa weight loss. Pero most of that is muscle. Nawala ‘yung muscle, pero at the same time, tumaas ‘yung body fat nila,” paliwanag ng isang PT.
Paliwanag naman ni Carding: “Ako talaga stressed talaga ako. Wala akong gana kumain, tapos wala akong tamang tulog. Lagi akong puyat.”
Umamin naman si Kevin Hermosada na hindi naging balanse ang kanyang diet dala ng pagkababa ng kanyang nakokonsumong protein na kailangan ng katawan upang magkaroon ng muscle.
“Ang protein intake n’ya lang sa loob ng isang araw, 42 grams. ‘Yung weight loss nandoon pero walang enough protein to keep the muscle mass. Therefore, the transformation is not quality,” ani Cong TV
Rekomenda naman ng kanilang mga PT at kapwa Team Payaman members na ibalik ang kanilang normal na diet habang patuloy sa pag-eehersisyo.
Matapos maipaliwanag ang siyensya sa likod nasabing eliminasyon, napawi ang pagkadismaya ng mga manonood dahil na rin sa maayos na paliwanag ni Cong TV.
@babski_3457: “Bilang isang nutrition student, I agree sa way ng pag-address ni Kuya Cong sa mga questions. Halos lahat ng sinabi proper way of eating and exercising is accurate and well-researched.”
@awon4215: “Most people lack knowledge on things like this but I’m so happy you are willing to explain how it actually works. Now we know, thank you Boss Cong!”
@furiousdean13: “Well-explained naman pala. Now na gets ko na talaga kung bakit natanggal sila both. Thanks Boss Cong sa pag-explain!”
Watch the full vlog below:
Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…
Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…
To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…
The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…
Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…
Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong…
This website uses cookies.