Dumating na ang pinakahihintay na araw ng Team Payaman boys, ang malaman kung sino ba ang dalawang matatanggal sa 30-Day Fitness Challenge ng grupo.
Nagkasa rin si Cong TV ng panibagong hamon para kay Carlos Magnata, a.k.a Bok, na siyang may pinaka mababang timbang.
Matatandaang nag desisyon si Cong TV na lagyan ng plot twist ang Team Payaman Fitness Challenge matapos makita na tila hindi sineseryoso ng iba ang kanyang hamon.
Ayon kay Cong, ang dalawang miyembro na walang improvement sa pangangatawan at kalusugan ang siyang malalaglag sa nasabing hamon.
Pero bago ang itinakdang weigh in, napansin ni 31-anyos na vlogger na tila hindi nagkakaroon ng pagbabago sa timbang at pangangatawan ni Bok. Kaya naman binigyan niya ito ng bagong hamon.
“Pag naabot mo yung 62 (kilos) bibigyan kita ng Php 50,000,” ani Cong TV.
Agad naman tinanggap ni Bok ang bagong hamon kasabay ng nasabing Fitness Challenge.
Habang papalapit ang weigh in ay bakas ang kaba sa mukha ng Team Payaman boys. Nilinaw naman ni Cong na hindi “biggest loser” ang labanan kundi pagandahan ng transformation ng katawan.
Bago ang weigh in ay todo workout pa rin ang grupo at umabot pa sa pagkakaroon ng injury sa likod ni Kevin Hermosada.
Matapos ang weigh in ay kitang-kita ang pagbabago sa timbang ng bawat miyembro bunga ng kanilang disiplina sa pagkain at pag-eehersisyo.
CHALLENGER | BEFORE | AFTER |
Dudut Lang | 110.7 kg | 105.8 kg |
Boss Keng | 65 kg | 63.4 kg |
Burong | 105.8 kg | 101.6 kg |
Junnie Boy | 64 kg | 64.5 kg |
Cong TV | 88.3 kg | 84.8 kg |
Kevin Hermosada | 89.6 kg | 86.6 kg |
Yow Andrada | 73.7 kg | 71.5 kg |
Steve Wijayawickrama | 79.5 kg | 77.6 kg |
Mentos | 95.8 kg | 93.8 kg |
Carding | 90.6 kg | 85.7 kg |
Bok | 57.1 kg | 58.1 kg |
Ngunit sa huli, idineklarang elimited mula sa hamon sina Carding and Kevin Hermosada.
Halo-halo naman ang naging reaksyon ng netizens: may nagparating ng pagkadismaya sa resulta ng elimination, habang ang iba naman ay nagbigay ng words of encouragement sa dalawang natanggal sa hamon.
@lalalaineCHA: “Sana maexplain bat sila natanggal, parang mas malaki improvement nila unlike with steve and mentos
@samsoriano8668: “Rooting for Carding and Kevin pa naman, kasi ang laki ng transformation nila.”
@lordhonsutv279: “ipagpatuloy nyo lang yan Karding at Kevin. Baka may wildcard pa. Mas lalo ako na inspired na magbawas ng timbang at mamuhay na may healthy lifestyle. Congrats pa rin sa inyung dalawa.”
Watch the full vlog below:
Kakaibang Halloween special ang ibinahagi ng Team Payaman squad sa bagong vlog ni Clouie Dims. …
This article is sponsored by Salveo Barley Grass. There are a few more weeks to…
Dalawang taon na ang nakalipas mula noong ipinanganak ng Team Payaman power couple na sina…
Hindi na maitatanggi na punong-puno ng saya at pagmamahal ang Pamilya Cortez-Velasquez. Naririto ang ilan…
Matapos ang home-schooling kasama ang ibang Team Payaman kids, sasabak naman ngayon si Kidlat sa…
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Feast of Our Lady of the Rosary tuwing Oktubre, isinasagawa…
This website uses cookies.