Find Out What Jai Asuncion Discovers During Surprise Congpound House Raid

Sa pagpapatuloy ng pagbisita ng YouTube vlogger na si Jai Asuncion sa kanyang mga kaibigan na miyembro ng Team Payaman, isang masayang House Raid Vlog ang hatid nito sa kanyang mga manonood. 

Surpresang pinasok ni Jai ang ilang kwarto sa tinaguriang “Content Creator House” sa Congpound kung saan naninirahan ang pinakamalaking grupo ng vlogger sa bansa. 

Ano kaya ang mga nadiskubre ni Jai sa biglaang house raid?

Refrigerator Raid

Ang Content Creator House ay isa sa apat na bahay sa Congpound na nagsisilbing tahanan ng ilang Team Payaman members gaya nina Dudut Lang, Burong, Kevin Hermosada, Yow Andrada, at iba pa. 

Unang siniyasat ni Jai Asuncion ang refrigerator na nasabing bahay kung saan bumungad sa kanyang ang isang  inaamag na Embutido. Pero bukod dito ay ikinatuwa niya ang ref na puno ng pagkain.

“Maganda naman kasi ang ref nila ay marami kang pwedeng makain, so hindi ka magugutom. It’s a yes for me naman,” ani Jai. 

Room Raid

Sunod na binusisi ni Jai ang kwarto ng mag-asawang Kevin at Abigail Hermosada na matatagpuan sa unang palapag ng nasabing 3-storey house. 

Pagbukas pa lang ng pinto ay sinalubong na agad si Jai ng mabangong amoy mula sa kwarto ng mag-asawa. 

“Huy ang bago ng kwarto nila dito palang! Ang bango!” bati ni Jai. 

“Alam niyo kung anong maganda sa room na ‘to? It’s very small but cozy and comfy pagpasok palang,” dagdag pa nito. 

Pag akyat naman sa ikalawang palapag ay makikita ang tatlong kwarto na pagmamay ari nina Dudut at Clouie, Burong at Aki, at Yow Andrada. 

Pinasok ni Jai ang kwarto ni Yow kung saan unang makikita ang koleksyon nito ng gitara at Funko Pop. 

Pinuri rin ni Jai ang kalinisan at kaayusan sa kwarto ni Yow, at hindi maiwasang mapabilib sa very organized na walk in closet ni Yow.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.