Lucky Fan Gets Unexpected Comment and Gift From Cong TV

Hindi pa man pasko ay may maagang regalo na si Cong TV para sa isa sa kanyang masusugid na taga-suporta.

Kamakailan lang ay nag-trending sa TikTok ang video ng isang netizen matapos ibahagi ang hindi matatawarang reaksyon ng kanyang mister sa online interaction nila sa nag-iisang Cong TV.

Wish Cong Lang

Ang TikTok content creator na sina Mrs.Japz at Boss Japz na isa sa mga maswerteng fan ni Cong TV, ay nabigyan ng pagkakataon magkaroon ng limited edition Team Payaman Cap.

Sa kanilang TikTok videos, ibinahagi ng mag-asawang Japz ang kanilang pinagdaanan para makabili ng nasabing Cong Clothing merch habang nagsasagawa ng TikTok Live Selling ang batikang vlogger. 

Dahil sa kagustuhang mapasakamay ang Team Payaman cap, labis ang pagka dismaya ni Boss Japz nang bigo itong makapag add to cart ng nasabing produkto. 

Ang nasabing reaksyon ni Boss Japz ay umani ng mga nakakatuwang komento mula sa mga netizens. Napansin din ito ni Cong TV at laking gulat nila sa naging kumento nito. 

Cong TV: “Padalhan na lang kita boss! Sorry hahahaha”

Unmatched Support

Sa isang ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG), ibinahagi ng mag-asawa  ang kwento sa likod ng nasabing trending TikTok videos.

Ani Mrs. Japz, mahigit sa pitong taon na silang sumusuporta kay Cong TV mula pa noong sa Facebook pa lang ito nagpo-post ng kanyang mga videos.

“Nagsimula po ‘yan sa ‘Sampung Utos ng Facebook.’ Basketball player po kasi asawa ko dati then tawang-tawa po s’ya sa sampung utos hanggang pinanuod na po niya ng pinanood lahat ng videos ni Bossing.”

Dagdag pa nito: “Ultimo unang pangalan ni Cong sa socmed alam niya po na “Murador.”

Ibinunyag din ni Mrs. Japz ang rason sa likod ng kanilang trending na reaksyon nang mapansin ng kanilang iniidolo.

“Solid paa po kasi ‘yung asawa ko and pangarap n’ya talaga ma-notice ulit ni Bossing kasi nakalaro niya dati sa PUBG [si Cong]. Super idol po ng asawa ko si Mossing!” pagbabahagi nito.

Kwento pa nito, ang pagvi-video ang naisip nilang paraan upang tuluyang mapansin ng kanilang iniidolo kaya’t laking tuwa nito nang mag kumento si Cong sa isa sa kanilang TikTok upload.

Napa “sana all” naman ang ibang netizens sa kumento at surpresang regalong handog ni Cong para sa kanyang fan. 

Zhyr Cabrera: “Isang pangarap ang natupad dito sa wish cong lang.”

Mamitin: kahit ako kikiligin eh ! nice @thecongtv sana all! Hahaha!”

LEANDRO: “pag fan ka ni @thecongtv tas ganto nangyare para kang nanalo sa lotto sana all.”

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

12 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

22 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

23 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

23 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.