LOOK: Baby Isla Marks 2nd Month with Game of Thrones-Inspired Photoshoot

Bilang selebrasyon sa ikalawang buwan ni Isla Patriel, muling nag-pose sa harap ng camera ang unico hijo nina Team Payaman vlogger Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar. 

Sa bagong vlog ni Mommy Pat, ipinasilip din ito ang naging paghahanda niya para sa binyag ng kanilang panganay. 

Mom life update

Dalawang buwan matapos tagumpay na isilang si Baby Isla, inamin ni Pat Velasquez-Gaspar na nakatuon lang ang kanyang oras para sa kanilang baby boy. 

Bagamat gusto raw nitong sabayan sa pagwo-workout ang asawa ay mas nilalaan niya ang oras sa pagpapa-breastfeed kay Isla at pag pump ng breastmilk para dito. 

Minsan daw niyang sinubukan na sabayan si Keng sa Congpound Gym kaya naman na-inspire itong mag exercise na rin gaya ng hipag na si Vien Iligan-Velasquez

Susubukan aniya niyang ikonsulta sa doktor kung hindi ba makaka-apekto sa kanyang milk supply ang pag-eehersisyo. 

Preparation for Isla’s Christening

Sinama naman ng first-time mom ang kanyang 2 million YouTube subscribers sa pamimili ng mga gamit na kakailanganin para sa binyag ni Isla. 

Kwento ni Mommy Pat, napag desisyunan nilang pabinyagan na ang anak dahil balak na nila itong isamang mag bakasyon sa ibang bansa. 

“Sabi nga nila yung mga pamahiin ng mga matatanda na bago mo ilabas, bago mo igala ay binyagan muna,” paliwanag ni Mommy Pat. 

Samantala, sa gitna nag pag shopping ay kumain ang mag-asawa at sinubukan ni Pat na inggitin si Boss Keng sa paborito nitong Halo-Halo

Tagumpay naman si Boss Keng sa pag-iwas sa tukso ng masasarap na pagkain upang maging consistent sa kanyang diet bilang parte ng 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman.

2nd Month Photoshoot

Sa nasabi ring vlog ay ipinasilip ni Pat Velasquez-Gaspar ang ilang kaganapan sa likod ng second monthly photoshoot ni Isla.

Nag-ala Jon Snow mula sa HBO hit series na Game of Throws si Isla suot ang kanyang faux fur coat at tila nakaupo sa tinaguriang iron throne.

Bagamat aminado si Mommy Pat na medyo challenging na ang photoshoot ngayong 2 months na si Isla ay naging succesful pa rin ito sa tulong ng The Baby Village Studio

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

7 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

7 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

7 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.