Congpound Secret Files: Team Payaman Reveals Untold Horror Story in Congpound

Hindi pa man pumapasok ang buwan ng Oktubre ay katatakutan na ang hatid ng Team Payaman sa pagpapatuloy ng daily vlogs serye ni Cong TV.

Tunghayan ang nakakapanindig-balahibong kaganapan sa Congpound na talaga namang gigising sa inyong mga gabi.

Ghostbombs

Isang hindi kapani-paniwalang kwento mula sa editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama ang nagpakilabot sa Team Payaman boys.

Ibinahagi ni Cong TV sa kanyang bagong vlog ang engkwentro ng Sri Lankan Team Payaman vlogger upang mas maging maingat ang mga kasamahan sa Congpound.

“Tapos nandun ako sa pinto, kasi feeling ko ‘yun yung pinto eh, tas n’ung nandun kami, biglang gumanun [kumalabog] ‘yung pinto,” kwento ni Steve.

Upang mas maging kapani-paniwala, ipinasilip ni Steve ang footage ng kanyang nilulutong vlog kung saan tila may nagparamdam. 

Hindi maipinta ang mukha ni Steve at ng kanyang videographer nang marinig ang hindi inaasahang ingay sa unang palapag ng kanilang gym.

Agad nilang sinundan ang tunog upang masilip kung may tao nga bang gumawa ng ingay habang sila ay abala sa pag-shoot ng vlog. 

“May tao? Ah may tao!” pakiwari ni Steve.

Nang bumaba sila, laking gulat ng dalawa dahil walang bakas ng tao sa unang palapag ng kanilang bahay.

Isa rin si Cong TV sa nagsabing tila may kakaibang nagaganap sa kanilang gym house dahil sa kanyang naranasan.

“Kaya pala pag nagwo-work out ako ano, parang ang bigat ng binubuhat ko,” biro nito.

Dagdag naman ni Boss Keng: “Eh mabigat naman talaga binubuhat mo eh!”

Multo Reveal

Suspetya ng mga ito, walang katao-tao sa nasabing bahay kaya pinamahayan na ito ng mga hindi inaasahang bisita.

Buong tapang na sinilip TP Wild Dogs ang gym at muling isinagawa ni Steve ang katakot-takot na pangyayari habang sila ay nagva-vlog.

Maya-maya pa ay nagbihis multo si Dexty na s’yang umaktong kaibigang multo ng Team Payaman sa Congpound. 

“Kaya ka namin sinama dito para masabihan mong umalis na lang dito kasi dami nang gumagamit n’ung bahay,” pakiusap ni Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Cortez-Velasquez Welcomes Tokyo Athena To The Family

Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…

4 hours ago

Achieve Clean Girl Makeup The Vien Iligan-Velasquez Way

Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…

1 day ago

Summer-Ready Shades: Get That Sun-Kissed Glow with Viyline Cosmetics TP Tints

The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…

1 day ago

Know How Las Piñas Beybladers X Reimagines Beyblading in 2025

Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…

2 days ago

Viy Cortez Velasquez Humbly Addresses Concerns About Viyline Skincare ‘Sunshade’

A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

3 days ago

This website uses cookies.