Viy Cortez Tries ‘Swap Role Challenge’ with Team Viviys

Upang mas mapahalagaan ang trabaho ng bawat isa, kumasa sa “Swap Role Challenge” si Viy Cortez at ang buong Team Viviys. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang kinahantungan ng pagpapalit-palit nila ng trabaho ng kanyang mga staff. 

Meet Team Viviys

Una ipinakilala ni Viy Cortez ang bawat miyembro ng kanyang team na araw-araw niyang nakakasalamuha at nakakatrabaho. 

Ito ay kinabibilangan nina Pat Pabingwit – Executive Assistant; Carmina Marasigan at Analyn Yanguas – mga katuwang sa pag-aalaga kay Kidlat; Carlo Santos – Videographer/ Editor; Kuya Jonas – Driver; at Kuya Jay – Bodyguard. 

Para “Swap Role Challenge” hindi lang basta nagpalit-palit ng trabaho ang bawat isa, kundi nag transform pa ang mga ito sa kanilang bagong karakter. 

Si Carmina, a.k.a Ate Acar ang nagsilibing Viy Cortez o VIYLine CEO; si Pat Pabingwit naman ang naging videographer; si Carlo ay nag-ala Kidlat; si Kuya Jonas ay naging yaya ni Kidlat; si Kuya Jay ang nagsilbing executive assistant; si Ate Annalyn ang naging bodyguard, at si Viviys naman ang naging driver. 

Sa nasabing challenge ipinakita rin ng grupo ang kanilang daily routine at kung papaano nagta-trabaho ang bawat isa. 

Role appreciation

Dahil sa nasabing Swap Role Challenge, mas na-appreciate nila ang trabaho ng bawat isa.

“Mahirap mag-alaga ng bata kasi hindi mo siya basta-basta pwedeng iwan,” ani Kuya Jonas na nagsilbing yaya ni Kidlat. 

“Yung executive secretary mahirap pala trabaho nyan! Yung mga tawag, bangko, schedule, na-appreciate ko yung trabaho,” ani Kuya Jay na naging executive assistant for a day. 

“Yung CEO napakahirap talaga, yung utak niya paano niya aayusin ang lahat-lahat, paano magiging maayos ang kanyang business. Kaya saludo talaga ako kay Ma’am Viy,” ayon naman kay Ate Acar. 

Para naman kay Viy, naintindihan niya ang bigat ng trabaho ng isang driver na sinisigurong ligtas ang lahat tuwing babyahe. 

“Nung nag carwash ako hindi ko alam kung papano sisimulan. Bukod dyan, yung safety ng bawat isa kasi umaalis kayo, nasa kamay mo ang buhay nila,” ani Viviys. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

13 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

23 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

24 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

24 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

24 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.