Jai Asuncion Spends a Day With Team Payaman Babies and Here’s What Happened

Isang masayang vlog ang hatid ngayon ni Jai Asuncion matapos nitong maisipan na bisitahin at makabonding ang Team Payaman babies

Buong araw nakipaglaro si Jai sa YouTube babies ng mga sikat na vlogger mula sa Team Payaman, kabilang na dyan sina Mavi, Kidlat, Alona Viela, at Isla.  Ano kaya ang naganap sa pagbisita ni Tita Jai sa mga chikiting?

Isla Patriel

Unang binista ni Jai Asuncion ang panganay na anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla Patriel. 

Pag akyat sa kwarto ay ipinaliwanag ni Jai na mayroong “No Face Mask, No Entry” policy ang mag-asawa upang masiguro ang kaligtasan ng kalusugan ni Isla na ngayon ay dalawang buwang gulang na.

Pagkakita kay Isla ay isa lang ang nasabi ni Jai: “Ay te, parang si Kuya Keng!” 

Samantala, kinumusta rin nito ang kalagayan ng first-time mom na si Pat na nagsabing focus siya ngayon sa pag-aalaga at pagpapa-breastfeed sa kanyang unico hijo. 

Inabisuhan naman ni Mommy Pat na malapit na ang binyag si Isla at isa si Jai sa mga magiging ninang nito. 

Kidlat

Sunod na binista ng 25-anyos na vlogger ang panganay nina Cong TV at Viy Cortez na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Ayon kay Jai, bagamat ilang beses na niyang nakita si Kidlat ay hindi pa niya ito nakakalaro kaya naman susubukan aniya niyang makipagbonding dito. 

Sa kasamaang palad, bigo si Jai na makuha ang loob ni Kidlat, ngunit tagumpay naman siyang mapasabi ito ng salitang “mama” at ang paborito nyang salitang “wow.”

Alona Viela and Mavi

Huling dinalaw ni Jasi Asuncion ang magkapatid na Mavi at Alona Viela na anak nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez

Game na game namang nakipagkulitan ang 9-month old na si Viela sa kanyang Tita Jai. 

“Si ano (Isla) kasi natatakot ako hawakan. Si Kidlat naman nakikipag hide and seek lang. Siya (Viela) lang yung sumama sa’kin,” ani Jai. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

2 hours ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

5 hours ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

2 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

2 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 days ago

This website uses cookies.