Chef Enn Tries Fish Catching in Dumaguete and Here’s What He Realized

Isa sa mga hanapbuhay ng mga taga-probinsya ay ang pangingisda dahil malapit ang mga ito sa karagatan na punong puno ng yamang dagat.

Bilang pag-kumpleto ng kanyang Dumaguete trip, game na game na sumabak si Team Payaman vlogger  Kenneth Silva, a.k.a. Chef Enn, sa pangingisda kasama ang dating homeboy ng Payamansion na si Kuya Inday.

Fish Catching with Kuya Inday

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ng resident chef ng Team Payaman ang mga hindi malilimutang karanasan a kanyang nagdaang quick Dumaguete escapade.

Isa sa mga pakay nito ay bisitahin ang dating kasamahan sa Payamansion na si Kuya Inday na ngayo’y naninirahan na sa Dumaguete.

Bukod sa paglangoy at pamamasyal, hindi pinalampas ni Chef Enn na masubukan ang hanapbuhay ni Kuya Inday gaya ng pangingisda.

“Malakas po ang alon at ang hangin kaya ako’y kinakabahan at natatakot,” pag-amin nito.

Lumakas naman ang loob ni Chef Enn dahil kasama niya si Kuya Inday sa gitna ng kanilang pamamalaot.

Game na game ding tinuruan ni Kuya Inday ang chef vlogger kung paano manghuli ng isda na agad din namang natutunan ni Chef Enn.

“Kung [nasa] sa dagat kami, may ulam [na] kami, may pera pa kami! Pambili ng bigas at baon ng mga anak natin, syempre,” ani Kuya Inday.

Maya maya pa ay nakahuli na ng isda si Kuya Inday na kanilang iuuwi para sa kanyang pamilya.

“Ang hirap maging mangingisda! Para sa akin, saludo ako sa mga mangingisda, big shoutout sa inyong lahat d’yan!” ani Chef Enn.

Netizens’ Reactions

Gaya ni Chef Enn, na-antig din ang puso ng mga manonood dahil sa hirap na dinadanas ni Kuya Inday at ng iba pang mga mangingisda.

Dinagsa ng mga positibong komento ang nasabing vlog dala ang mensahe nito para kay Kuya Inday.

@dennismanzanares5040: “Sana pag ikasal na si Boss Cong makasama si Inday sa event na ‘yun, wish ko lang deserve as a member of Team Payaman.”

@angelinelolong7009: “Bigla ako nalungkot, nakakamiss si Kuya Inday sa mga videos lalo na sa TP s’ya!”

@renato7stars278: “Nakakamiss talaga si Kuya Inday. Nakakaiyak din ang vlog na ‘to. Good luck sa buhay Kuya Inday! Ingat lagi!”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

12 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

23 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.