How Abigail Hermosada Prepares Healthy Meals to Support Husband’s Fitness Journey?

Road to fit and healthy body na talaga ang buong Team Payaman kaya naman all out ang suporta ni Abigail Hermosada sa fitness goals ng kanyang mister na si Kevin Hermosada

Masayang ibinahagi ni Mrs. Hermosada kung papaano nito inaalalayan si Kevin pagdating sa pagpapapayat. Si Abi na nga kaya ang secret weapon ni Kevin para manalo sa Team Payaman September Superbods?

Fitness Journey

Sa kanyang bagong vlog, ibinunyag ni Abigail Hermosada na siya ang nagsisilbing diet chef ng kanyang butihing asawa. 

“So kung mapapansin nyo guys sa kanyang pangangatawan, medyo pumayat na si Kevin, dahil yan sakin! Charing!” biro ni Abi.

“Syempre dahil yan sa sarili nya noh! Syempre yung mga taong gusto magpapayat nagsa-start yan sa sarili nila,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagsama kay Kevin sa gym at pagsabay sa kanyang workout, pinaghahanda rin ni Abi ang kanyang mister ng masasarap at masustansyang pagkain na makakatulong sa kanyang diet. 

Meal Prep

Kwento ni Abi, naisipan nyang ibahagi ang ginagawang meal prep upang hikayatin din ang kanyang mga tagapanood na magbago ng lifestyle gaya nila. 

Ayon kay Mrs. Hermosada, ang nasabing meal prep ay hindi lang para manalo ang asawa sa Team Payaman 30-Day Challenge, kundi bilang suporta na rin sa kanyang malusog na pangangatawan. 

Dagdag pa nito, hindi lang si Kevin ang pinagluluto nya dahil dinadamay na rin nito ang iba ang kasamahan sa Content Creator House nagda-diet din. 

Sari-saring gulay at high-protein meal ang hinanda ni Abi na kakainin ni Kevin para sa buong araw.

Nagbawas na rin aniya sa pagkain ng kanin si Kevin kaya naman kitang-kita ang laki ng pinayat ng katawan nito.

“Samahan nyo kami na maipakita ang (fitness) journey ni Kevin. Excited na rin ako sa transformation ni Kevin,” ani Abi. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Junnie Boy Shares Hilarious ‘Hiding Spots’ for Home Security in Latest Vlog

Naghatid ng aliw sa mga manonood ang Team Payaman dad na si Junnie Boy matapos…

2 days ago

Boss Keng Introduces Team Boss Madam’s New Talented Editor

Isang talentadong video editor mula sa Team Boss Madam ang ipinakilala ni Boss Keng sa…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Memorable ‘Disney On Ice’ Experience with Family

Kamakailan lang, ibinahagi ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang isang family bonding…

3 days ago

Content Wars is Back! Boss Keng ‘Kalabantay’ Challenges Junnie Boy’s ‘Bantatay’

Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…

4 days ago

​Viyline Group of Companies Prepares for 2026 with a Strategic Planning Event

​ "Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 days ago

This website uses cookies.