Tatlong araw matapos ilapag ang kanyang fitness challenge sa Team Payaman boys, mas pinahigpit ni Cong TV ang kompetisyon sa pagbibigay ng panibagong rules.
Ito ay ang pagtanggal sa dalawang kalahok na hindi makikitaan ng improvement sa kanilang kalusugan at pangangatawan sa loob ng isang linggo.
Tulad nang kanyang naipangako, muling nagbabalik ang daily vlogs ni Cong TV upang idokumento ang hamon sa Team Payaman.
Sa kanyang latest vlogs, ipinasilip ng 31-anyos na batikang YouTube vlogger ang ikalawa at ikatlong araw ng “Cong TV vs. Team Payaman” fitness challenge.
Pagkatapos ianunsyo ang kanyang hamon, nag surveillance agad si Cong TV sa kanyang mga kaibigan kung sino ba ang seryoso sa kanyang 30-Day Challenge.
“Dito mo makikita sa Day 1 kung sino yung parang talagang ‘meron na kong ganyang pera eh!’ O kaya yung gigil na gigil kasi gustong mag-improve saka makuha yung ano (premyo),” ani Cong TV.
Pero bago sumabak sa isang buwan ng diet at workout, siniguro muna ni Cong TV na nasa wastong lagay ang kanilang kalusugan para sa kakaharaping hamon.
“Para makasigurado sa kaligtasan ng Team Payaman ay kumuha kami ng mga PT (Physical Therapist) para i-check muna ang kanilang kalusugan bago sumabak sa ating 30-day challenge,” paliwanag pa nito.
Matapos ang kanilang checkup, inilista ng grupo ang kanilang timbang bago magsimula ang September Superbods ala Team Payaman.
Dudut Lang – 110.7 kg.
Boss Keng – 65 kg.
Burong – 105.8 kg.
Junnie Boy – 64 kg.
Cong TV – 88.3 kg.
Kevin Hermosada – 89.6 kg.
Yow Andrada – 73.7 kg.
Steve Wijayawickrama – 79.5 kg.
Mentos – 95.8 kg.
Carding – 90.6 kg.
Bok – 57.1 kg.
Pero dahil hindi nakikitaan ni Cong TV ng sipag at disiplina ang kanyang mga kasamahan, nagpasiya itong magbaba ng panibagong rules sa kanyang challenge.
“Magtatanggal ng dalawang wala masyadong improvement after a week.”
Watch the vlogs below:
Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…
Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…
Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…
Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…
Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…
Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…
This website uses cookies.