May pahabol na Japan POV ang Giyang Master ng Team Payaman na si Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy, sa isang bagong vlog.
Samahan si Junnie Boy sa kanyang paglalakbay patungo sa audition bilang karakter sa kanyang paboritong anime series na One Piece.
Matatandaang sa nagdaang Conquest 2023 ay nag-cosplay na si Junnie Boy bilang Roronoa Zoro, na mapapanood sa vlog ni Burong.
Patunay na isang avid fan ng hit anime series na One Piece ang nakababatang kapatid ni Cong TV at halatang paborito nito ang karakter ni Zoro.
Dahil may pagkakataong lumipad patungong Japan, hindi na pinalampas ni Junnie Boy ang pagkakataon na magbihis Zoro habang ito ay nasa bansa kung saan nagmula ang One Piece.
Habang naglilibot sa Japan ay ipinagtanong ni Junnie Boy ang ilang mga resident kung kilala ba nila si Eiichiro Oda – ang manga artist na lumikha sa One Piece.
Layunin ni Junnie na personal na makita ang pangalan sa likod ng nasabing anime series upang makapagbigay pugay ngunit hindi ito nagtagumpay sa kanyang misyon.
“Wala nang tsansang makita natin Eiichiro Oda. Ganun talaga, pero okay lang ‘yan,” ani Junnie.
Dahil sa kagustuhang makita ang kanyang idolo at maging ka-double ni Zoro sa bagong live action series ng One Piece sa Netflix, isang pasabog ang inihahanda ni Junnie Boy.
“Mayroon kaming lulutuin na talagang malupit dito na baka sakaling magbago ‘yung isip mo na ako na ang kunin mong Roronoa Surot,” biro nito.
Ibinida ni Junnie Boy ang niluluto nitong surpresa para sa kanyang manonood suot ang Zoro costume.
Kasama din aniya niya ang ilang bigating artists sa bansa para maisakatuparan ang kanyang pinapangarap na One Piece content.
Agad ding ipinasilip ni Junnie Boy ang kinalabasan ng kanilang pinaghirapan na mapapanood lang sa kanyang bagong vlog:
Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…
Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…
Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…
Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…
Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…
Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…
This website uses cookies.