Naging isang ganap na miyembro ng cleaning services group ang Team Payaman vlogger na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, upang siguruhing malinis ang kanilang bahay sa Congpound.
Pero syempre, hindi kumpleto ang vlog ni Dudut kung walang halong kaunting kalokohan at biro sa kanyang mga kasamahan.
Nagsimula ang lahat nang tila magtampo si Dudut sa kanyang mga kasahan sa Content Creator House sa Congpound.
Hinaing ni Dudut, siya na nga ang nagluluto, siya pa rin ang nagligpit ng kanilang kinainan.
“Kung hindi naka computer, yung mga tao dito nakatambay sa labas. Pero pag naamoy na yung niluluto papasok (ng bahay) lahat. Ang bilis kumain, ang bilis magutom, wala namang ginagawa,” pabirong tampo ni Dudut.
Dahil dito ay nagbanta si Dudut na maghihiganti sa mga kasamahan sa takdang panahon.
“Maghihiganti ako sa inyo! Lilimasin ko yung bahay niyo, lilinisin at lilimasin ko kayong lahat!”
Sa tulong ng Busy Bee Cleaning Co. ay nagsagawa ng isang buong araw na deep cleaning ang grupo sa Content Creator House sa Congpound.
Suot ang yellow over all suit, nagpanggap si Dudut bilang miyembro ng nasabing cleaning services team at tumulong sa paglilinis ng buong bahay.
Bilang ganti sa mga kaibigan at kasamahan sa bahay na tamad maglinis ng bahay, isang prank ang ikinasa ni Dudut habang nagpapanggap na tagalinis.
Una nitong pinasok ang kwarto nina Steve, Bods, at Joshua. Habang mahimbing ang tulog ang mga ito ay biglang naglinis si Dudut gamit ang maingay na vacuum.
Pabiro rin nitong nilimas ang computer ng kaibigan na si Aaron Macacua, a.k.a Burong.
Pero sa huli, pinuri naman ni Dudut ang Busy Bee Cleaning Co dahil sa mahusay nitong serbisyo.
“Ayan tapos na maglinis yung Busy Bee, napakalinis at napaka bango ng bahay ngayon. Sana ma-maintain namin,” ani Dudut.
“Maraming salamat, Busy Bee! Napaka ganda nyo kumilos, napaka linis ng trabaho nyo!” dagdag pa ninto.
Watch the full vlog below:
Panibagong mga karakter ang hatid ng Team Payaman members na sina Boss Keng at Junnie…
"Strategic Planning is nothing without strategic vision." Guided by this principle, the Viyline Group…
Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…
Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…
The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…
Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…
This website uses cookies.