“Birthday na ni Boss Keng! Get get, aww!”
Para sa nalalapit na kaarawan ni Team Payaman vlogger Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, isang surpresa ang hatid nito sa mga customer ng Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng.
Bago pa tuluyang ipagdiwang ang kanyang ika-31 na kaarawan sa darating na September 9, 2023, may regalo na si Boss Keng para sa lahat!
Sa isang Facebook post, inanunsyo ni Boss Keng ang surpesa bilang parte ng kanyang nalalapit na kaarawan.
“Syempre pag may birthday, merong regalo! Pero babaliktarin natin yan,” ani Boss Keng.
“Hindi ako ang manghihingi ng regalo, ako ang magbibigay ng regalo sa inyo!” dagdag pa nito.
Dahil simula September 1 hanggang 15, sagot ni Boss Keng ang 50% discount sa lahat ng hair services sa Glam Centra Salon and Spa by Pat and Keng.
“For example magpapakulay ka ng buhok worth Php 8,000, sagot ko ang Php 4,000!” paliwanag pa ng vlogger at negosyante.
15% discount naman ang handog ni Boss Keng para sa nail services gaya ng manicure, pedicure at iba pa. Habang 30% off naman para sa eyelash extension services.
“So ano pang hinihintay ninyo, punta kayo dito sa aming salon, walang iba kundi sa Glam Central Salon! Happy Birthday to me!”
Para ma-avail ang regalong discount ni Boss Keng, kinakailangan lang na magpa-book ng appointment at siguruhing naka follow sa kanilang official Facebook at Instagram account.
Ang nasabing birthday promo ni Boss Keng ay hindi rin maaring isabay sa iba pang promo ng nasabing salon.
Ano pang hinihintay nyo? Mag-schedule na ng inyong makeover day sa Glam Central Salon and Spa by Pat and Keng na matatagpuan sa Unit 21-22 Plazuela De Molino, Molino Blvd, Bacoor Cavite.
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
This website uses cookies.