Isang kakaiba at nakakatuwang restaurant experience ang ibinahagi kamakailan lang ni Team Payaman vlogger Aaron Macacua, a.k.a Burong.
Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Burong sa kanyang fiance na si Aki Angulo ang karanasan nila ni Boss Keng sa pagkain sa isang fine dining restuarant sa Makati City.
Ibinahagi ni Burong ang ilang screenshot ng chat conversation nila ng kanyang soon-to-be wife na si Aki.
Kwento ni Burong, habang nasa Makati ay ginutom sila ng kaibigang si Boss Keng kaya naisipan maghanap ng restaurant kung saan mayroong steak. Napadpad sila sa isang tila tagong restaurant upang magpalipas ng gutom.
Ngunit laking gulat ng dalawa nang makitang tila naka formal attire ang mga customer sa nasabing restaurant. Pagkakita sa menu ay lalong nanghina ang magkaibigan sa pinasok na fine dining restaurant.
“Nashook akes sa mahal ng foodang here,” ani Burong.
Dito na nahiya ang magkaibigan na lumabas sa nasabing restaurant bagamat napakamahal ng mga pagkain.
“Tiniis na lang namin. Nilalasap na lang namin ang bawat kagat ng sine-serve nila. Talagang patay gutom moments na dito,” biro pa nito.
Ipinakita rin ni Burong sa fiance at sa netizens ang kopya ng menu kung saan makikitang aabot sa Php 4,500 ang pinakamurang putahe at tumataginting na Php 18,000 naman ang isang Tomahawk Rib Eye Steak.
Pero ayon kay Burong, masarap naman ang mga putaheng kinain nila at binigyan pa sila ng libreng panghimagas.
Tuwang tuwa naman ang netizens sa ibinahaging kwento ni Burong at hindi naiwasang asarin ang magkaibigang vlogger.
Jeddyyboi Ramos: “Boss Keng Burong Rattan wag muna po kayo tatae ng isang buwan para ndi masayang kinain nyo.. para po sulit ung binayad.”
Robert Angelo Tan RN: “dun ako sa tubig kapares ng steak.”
Maging si Pat Velasquez-Gaspar ay hindi napigilang ibahagi ang pagsusumbong sa kanya ng mister na si Boss Keng.
“Napasubo kami, tignan mo presyo. Tawa kami ng tawa kasi nahihiya kami lumabas,” kwento pa ni Boss Keng sa kanyang misis.
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
Cuteness overload ang hatid ng anak nina Pat Velasquez-Gaspar at Boss Keng na si Isla…
Ngayong kapaskuhan, muling ipinasilip ng Team Payaman mom na si Vien Iligan-Velasquez ang kanilang taunang…
This website uses cookies.