Zeinab Harake Shops For Son Lucas Harake’s Back To School Needs

Balik eskwela na naman, kaya hands on mommy ang peg ng YouTube vlogger na si Zeinab Harake matapos ipagshopping ang panganay nitong si Lucas ng mga gamit sa eskwelahan.

Samahan ang masayang back-to-school shopping ng mag-inang Zebby at Lucas Harake, at tunghayan ang ilang mga tagpo sa unang araw nito sa regular school.

School Supplies Shopping

Sa bagong vlog ni Zeinab Harake, isinama nito ang kanyang mga “Zebbies” sa pamimili ng school supplies para sa kanyang mga chikiting na sina Lucas at Bia Harake.

Masayang ibinahagi ng 24-anyos na vlogger na papasok na sa regular school ang kanyang panganay kaya naman excited na rin itong mamimili ng mga gamit sa eskwela.

Inamin si Zeinab na nagiging busy na s’ya sa kanyang mga bagong proyekto kaya hindi ito nakahanap ng oras para i-enroll ang kanyang panganay.

“Kaya sabi ko talaga this time, kailangan ako mismo ‘yung bibili ng gamit ni Lucas!” paliwanag nito.

Kasamang namili ng mag-ina ang kapatid ni Zeinab na si Rana Harake, na personal ding namili ng mga kagamitan ng kanyang anak.

Bukod sa school supplies, ibinili na rin ni Mommy Zebby si Kuya Lucas ng kanyang bagong bag kung saan kasya ang lahat ng gamit gaya ng mga libro at notebook.

“Nanay na nanay ka d’yan sis!” pagbati ni Rana. 

Netizens’ Reactions

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang pagiging hands on mom ni Mommy Zeinab.

@jenli7174: “Good job Mommy Zeb, for being such a great and responsible mom. At patunay na you raised Lucas as a very kind, respectful, and smart kid. God bless you more!”

@rubymayanquillano3913: “Grabe ang pagmamahal ni Zeb, ulirang nanay talaga s’ya. I salute sa mga nanay na ganyan!”

@jhemarcalijan3242: “Good job ate Zeb! Napakama-alaga mong ina sa mga anak mo, we are proud of you!”

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

2 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

2 days ago

Boss Keng’s Game Show Gets Real as Junnie Boy Fights for His Comeback

Matapos ang matagumpay na pilot episode, bumalik ang Team Payaman Wild Dog na si Exekiel…

3 days ago

Agassi Ching Finally Gets His Dream Toyota Prado After 8 Years of Vlogging

Isang bagong milestone na naman ang naabot ng Content Creator na si Agassi Ching matapos…

4 days ago

Turn Moments Into Memories with Viyline Print’s HQ Photo Canvas

Life’s full of unforgettable events. Milestones such as graduations, birthdays, weddings, anniversaries, must be kept…

4 days ago

This website uses cookies.