Michelle Dy Shares Quick and Fun Davao Escapade

Hatid ngayon ng isa sa mga OG YouTuber sa Pilipinas na si Michelle Dy ang ilan sa mga tagpo sa kanyang nagdaan bakasyon sa Davao City.

Tunghayan ang mga hindi malilimutang all-out Davao experience ni Michelle Dy kasama ang ilang mga kaibigan.

Michelle Dy in Davao

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Michelle Dy sa isang quick Davao escapade ang kanyang mga “angels” o ang bansag nito sa kanyang mga supporters.

Excited na ibinahagi ng beauty vlogger ang mga ginawa nila sa unang araw sa King City of the South.

“After lunch, pupunta kami sa aesthetic na cafe kasi ‘yun na daw ‘yung uso ngayon pag magta-travel ka maghahanap ka ng aesthetic na cafe tapos magpipicture-picture, ganon. Pretend pretend!” biro ni Michelle.

Dagdag pa nito: “Tapos mamayang gabi, paparty ang mga akla!”

Isa sa mga main agenda nina Michelle ay ang libutin ang iba’t-ibang mga kainan sa Davao at una na rito ay ang pagsubok ng isang Japanese restaurant kasama ang mga kaibigan.

Ilan pang restaurant kagaya ng Huni Organic Farm Buffet Restaurant, at Jamosa Food Fest ang sinubukan ng Team Michelle para sa kanilang pananghalian at hapunan. 

“So far, ang enjoy!” komento nito.

More Davao Ganaps

Sa kanilang ikatlong araw ay nagsimula nang namasyal sa ilang mga kilalang beach resort sa Davao ang former VIYLine Cosmetics Aqua Cream girl na si Michelle Dy. 

“Beach na beach na ako!” ani Michelle.

Laking tuwa naman ni Mamshie Michelle nang marating na nila ang The Amery Luxury Palm Villas, na kanilang tutuluyan upang makapagrelax.

“Ganda, ganda here! Love it!”

Hindi nagtagal ay nagsimula nang enjoyin ni Michelle ang resort sa pamamagitan ng pagkain ng tanghalian, at paglibot sa loob ng kanilang pool villa.

Matapos magpahinga, dumiretso na sila sa Mati Beach upang lumangoy at lumanghap ng sariwang hangin mula sa kagaratan.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

5 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

16 hours ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

3 days ago

This website uses cookies.