Expectation vs. Reality: Viy Cortez Gets Real With Her Body Image

Nagpakatotoo si Viy Cortez sa kanyang milyun-milyong social media followers nang ipakita nito ang katotohanan sa likod ng kanyang bagong figure. 

Sa isang Facebook post, proud na ibinahagi ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang mga stretchmarks na natamo niya matapos ipagbuntis ang panganay nila ni Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

BarViy Girl

Matatandaang ilang maka ilang ulit na pinuri at namangha ang netizens sa body transformation ni Viy Cortez higit isang taon matapos nitong ipanganak si Kidlat. 

Kitang-kita kasi ang naibawas sa timbang ng Team Payaman vlogger na talaga namang lalong nagpaganda sa kanyang figure. 

Binsagan din ng netizens na “BarViy Girl” si Viviys dahil sa mala-Barbie nitong itsura at postura. 

Pero sa isang Facebook post, proud na ipinakita ni Viy ang katotohanan sa likod ng kanyang mala-Barbie na postura. 

“Makatawag kayong barviy ito padin po tiyan ko pag nakaupo with kamot hahahahahaha,” ani Viviys kalakip ang larawan kung saan ibinida nito ang mga stretchmarks sa kanyang tiyan. 

Ayon sa batikang vlogger at businesswoman, hindi niya ikinakahiya ang kanyang stretchmarks dahil tila drawing ito ng kanyang panganay. 

“Proud ako dyan drawing ni Kidlat yan at magiging bahay pa yan ng mga magiging anak namin,” dagdag pa nito.

Netizens reaction

Muling umani ng papuri mula sa netizens ang pagpapakatotoo ni Viy Cortez kung saan maraming kapwa nanay nito ang naka-relate.

O Be Garcia: “Walang kasing sarap maging nanay, kahit ilang toneladang bilbil na may kamot pa ang kapalit.”

Abigail Camatog: “Drawing ni Kidlat yan, aba baka kapag pina-auction mo yang kamot mo viviys mawindang ka, charaught!”

Jenica Mae: “PAG TANGGAP MO TALAGA SARILI MO WALANG IBANG MAKAKASIRA SA PEACE OF MIND MO”

Denise De Lumban Bondoc: “ganda nman ni viviys.. battle scars po ang tawag dyan.. battle scars ng pagiging ina.”

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

17 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

6 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

6 days ago

This website uses cookies.