Norvin Dela Peña Surprises Wife Lovely With a Brand New Car for Her Birthday

Isang kwelang surpresa na may kaunting prank ang hatid ng Team Bugok matapos surpresahin ni Norvin Dela Peña ang misis nitong si Lovely para sa kanyang kaarawan. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Norvin kung paano nito sinurpresa ang misis ng isang bagong kotse at iba pang pakulo. 

Birthday gift

Isang araw bago ang birthday ni Lovely Dela Peña ay ikinasa na ni Norvin ang plano at regalo para sa kanyang misis. Nagtungo si Norvin sa Toyota Plaridel upang bilhin ang pangarap na Toyota Veloz ng kanyang asawa.

Habang abala si Lovely sa isang feeding program ay kinuntsaba na ni Norvin ang car sales agent na si Ceddie Paderon upang maisakatuparan ang kanyang mga plano. 

Ayon kay Norvin, bitbit na niya ang cash na palihim umano niyang inipon pambili sana ng big bike. Pero dahil niregaluhan na siya ni Lovely ng motorsiklong Honda Gold Wing, ang pera ay gagamitin na lang pambili ng bagong sasakyan. 

Kwento pa ng vlogger, tila nagtatampo na ang misis dahil akala nito ay wala siyang plano para sa kanyang kaarawan. 

Prank and Surprise

Kinabukasan ay tila wala sa mood si Lovely kaya naman inamin na rin agad ni Norvin na may inihanda itong surpresa. 

Habang papunta sa kanilang destinasyon, inamin ni Lovely na bahagya itong nagtampo sa mister dahil tila wala manlang itong plano para sa kanyang kaarawan.

Paliwanag ni Lovely, hindi naman daw ito nagtatampo dahil walang regalo kundi dahil parang wala manlang effort para ipagdiwang ang kanyang birthday.

Lingid sa kaalaman ni Lovely ay nagsisimula na rin ang prank ng asawa na parte ng nasabing surpresa. 

“Eto na yung part na kinuntsaba ko si Sir Ceddie ng Toyota Plaridel. Na kunwari ite-text niya ako na kunwari hinahanap kami ng asawa ng nakabanggan ng kotse ni Charish, na kunwari ay galit na galit at gusto kaming makausap,” kwento ni Norvin. 

Pagdating sa Toyota Plaridel, kunwaring kinausap ito ng nagrereklamong kampo at bahagya pang nagkaroon ng tensyon kung saan naiyak si Lovely. 

Nang humupa na ang tensyon, lumabas si Norvin para kunin ang cake at flowers at ibunyag na ang surpresa at saka ipinakita ang brand new 7-seater SUV. 

Mas lalong naiyak si Lovely nang makita ang litrato ng kanyang ama at Tito Benny na nasa driver at passenger seat ng kotse.

“Binabati ka rin nila ng Happy Birthday!” ani Norvin.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

11 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

1 day ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

4 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

5 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

5 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

5 days ago

This website uses cookies.