Donnalyn Celebrates a ‘Do-Over’ 18th Birthday Party to Honor Her Mother

Isang trending birthday vlog na naman ang hatid sa atin ng tinaguriang “social media goddess” na si Donnalyn Bartolome.

Bilang selebrasyon ng kanyang ika-29 na kaarawan, isang engradeng debut party ang inihanda ni Donnalyn hindi para sa kanyang sarili kundi para bigyang pugay sa kanyang ina. 

“I realized she never had her own debutante party ‘coz she had me when she was 14 years old,” ani Donnalyn sa kanyang latest YouTube vlog.

“Today, we’re healing her directly because she will be experiencing the debutante party of her dreams,” dagdag pa nito.

Donnalyn 18 Again

Kumpleto sa magarbong setup, buffet menu, bisita, at programa ang inihandang “Do-Over Debut Party” ni Donnalyn para sa kanyang ina. 

Dinaluhan ito ng malalapit na pamilya, kaibigan, at syempre mga sikat na kaibigan sa industriya gaya nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Dra. Vicky Belo, Small Laude, JM De Guzman, and marami pang iba. 

Sa pangunguna ni Donnalyn, sinurpresa nito ang kanyang Mommy Alex dahil para sa kanya talaga ang nasabing engradeng selebrasyon. 

“Hi, mom! Happy giving-birthday!” ani Donnalyn.

“Bakit ako?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Mommy Alex. 

Paliwanag ni batikang content creator, nais nyang magbigay pugay sa lahat ng sakripisyo ng kanyang ina para sa kanilang pamilya. 

“Ikaw yung dahilan kung bakit may makulit na Donnalyn. Thank you so much mom for giving birth to me!”

Gaya ng tradisyunal na debutante party, mayroon ding 18 Roses, 18 Shots, at 18 Candles ang party ni Mommy Alex. 

“Sana naparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal ngayong araw na ‘to!”

Bukod sa engradeng party, iniregalo rin ni Donnalyn sa kanyang ina ang parangal na iginawad sa kanya bilang “Woman Leader” mula sa The World Women Leadership Congress 2023

Final Surprise

But wait, there’s more! Bilang huling surpresa sa kanyang ina ay inimbitahan ni Donnalyn ang ultimate celebrity crush ni Mommy Alex na si Piolo Pascual. 

Hinarana ng aktor si Mommy Alex bilang parte ng kanyang 18 Roses. 

“Oh my God! Finally, I met you!” kinikilig na sabi ni Mommy Alex.

“I love you, Piolo!!!” dagdag pa nito. 

Nagpasalamat naman si Donnalyn sa pagpapaunlak ni Piolo sa kanilang imbitasyon. 

Pero kwento ng aktor, gumawa pa ng handwritten letter si Donnalyn para maimbita sya sa nasabing party. 

“She found a way. She really made sure that this was gonna happen,” ani Piolo. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

2 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

3 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

Viyline MSME Caravan Brings Festive Fun to SM Center San Pedro

​ The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…

5 days ago

Team Payaman and Team Harabas Go Night Dive Spear Fishing in Occidental Mindoro

Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…

5 days ago

Clouie Dims and Pat Pabingwit Take On the ‘One Shot, One Makeup’ Challenge

Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…

6 days ago

This website uses cookies.