Remember Team Payaman’s Kuya Inday? This is Where he is Now

Naaalala n’yo pa ba ang resident home boy ng Payamansion 2 na si Kuya Inday? Kung oo ang sagot mo ay siguradong isa kang certified Team Payaman fan. 

Hatid ngayon ng resident chef ng Team Payaman na si Kenneth Silva a.k.a, Chef Enn ang latest update sa kalagayan ni Kuya Inday.

Kuya Inday’s Dumaguete Life

Personal na binisita ni Chef Enn si Kuya Inday matapos nitong mapagdesisyunang umuwi sa Dumaguete.

Sa kanyang bagong  vlog, sinama ni Chef ang kanyang mga manonood sa pagbisita kay Kuya Inday upang masaksihan ang tahimik at masayang buhay nito probinsya.

Ayon kay Chef Enn, susubukan nitong surpresahin si Kuya Inday sa kanyang pagdating. Laking tuwa naman ni Kuya Inday na may miyembro ng Team Payaman ang bumyahe upang makita s’ya.

“Iba talaga pag kaibigan mo talaga, hahanapin ka. Kahit saan pa ‘yan!” ani Kuya Inday.

Agad naman binida ni Kuya Inday ang kanyang bagong bahay na naipagawa sa tulong ni  Cong TV.

Matatandaang ibinahagi rin ng VIYLine Media Group (VMG) ang istorya sa likod ng pagbalik ni Kuya Inday sa probinsya, kasabay ng pagkakaroon ng sariling bahay na regalo sa kanya ng 31-anyos na vlogger.

Dumaguete Adventure

Bukod sa kwentuhang handog ni Kuya Inday, sinubukan din ng dalawa ang iba’t-ibang mga aktibidad upang masulit ni Chef Enn ang kanyang bakasyon sa Dumaguete.

Syempre, hindi mawawala ang foodtrip ala Chef Enn, kaya naman sinubukan nito ang lutong Tinola ni Kuya Inday na gawa sa native chicken. 

Kinabukasan, nag-ikot ang dalawa sa ilang mga tourtist spot sa Dumaguete kabilang na ang malinis at malinaw na karagatan.

Magkasama silang nanghuli ng isda, namalengke, naglaro, nagluto, lumangoy, at nagmaneho ng motorsiklo upang maglibot sa probinsya.

“Napakasimple ng buhay dito, pre! Ganito tayo dati nung walang cellphone eh!” ani Chef Enn. 

Muling namang inimbita ni Kuya Inday si Cong TV upang bisitahin ang  kanilang lugar.

“Bossing punta ka dito, Bossing! Ang sabi ko sa’yo mag-ride tayo Bossing! Dadalhin kita kung saan mo gusto Bossing!” aniya.

Biro pa nito: “Walang masyadong tao samin, hindi tayo pagkakaguluhan dito!” 

Tinapos nina Chef Enn at Kuya Inday ang kanilang Dumaguete adventure sa pamamagitan ng pagsilip sa Pulangbato Falls.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

How to Prevent Ascites? Doc Alvin Explains Ivana Alawi’s Medical Condition

Sa kanyang bagong YouTube vlog, ipinaliwanag ng vlogger at TP Friends na si Dr. Alvin…

2 days ago

Iligan-Velasquez Family Kicks Off Holiday Season by Decluttering and Decorating at Home

Bago sumapit ang Disyembre, nakasanayan na ng maraming pamilya ang maglinis, mag-ayos, at maghanda ng…

3 days ago

Cong, Viy, Pat, and Keng Get Real About the Reality of Parenthood

Isa sa mga gumulat sa mga taga-suporta ng Team Payaman ay ang halos sabay na…

3 days ago

Fall in Love With the New and Improved Viyline Cosmetics Aqua Cream the Second Time Around

Love is indeed sweeter the second time around. Vlogger and VIYLine Cosmetics girl boss, Viy…

5 days ago

Team Payaman’s Junnie-Vien and Pat-Keng Share a Fun-filled Double-date in Taiwan

Puno ng tawanan at kulitan ang bagong vlog ni Mommy Vien Iligan-Velasquez, kung saan kasama…

5 days ago

Team Payaman’s Burong Makes Acting Debut in Pencilbox Studios

Isa sa mga hinahangaang miyembro ng Team Payaman si Aaron Macacua, na mas kilala bilang…

6 days ago

This website uses cookies.