Boss Keng Surprises Pat Velasquez-Gaspar With a Brand New Car

Hindi nauubusan ng surpresa ang nag-iisang Boss Keng ng Team Payaman dahil isang bonggang regalo na naman ang hatid nito sa kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar.

Alamin ang mga tagpo sa likod ng hindi malilimutang surpresang natanggap ni Mrs. Gaspar mula sa kanyang asawa.

Team Gaspar’s New Car

Sa bagong vlog ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng, ipinasilip nito ang kanyang mga hakbang bago tuluyang surpresahin ang asawa ng bagong sasakyan.

“Si Pat-Pat na siguro ‘yung pinaka maswerteng babae sa mundo kasi ako ‘yung naging asawa n’ya na palagi s’yang iniisip at palaging may surprise sa kanya,” pabirong bungad ni Boss Keng.

Sa pagpili ng sasakyan, isinaalang-alang ni Boss Keng ang magiging kalagayan ng first-time breastfeeding mom na si Pat, kaya naman pasok sa pangangailangan nito ang bagong Kia Carnival.

Laking tuwa rin ni Boss Keng nang malaman ang mga features ng nasabing sasakyan na talaga namang magagamit hindi lamang n’ya, kung hindi pati na rin ng kanyang mag-ina.

“Love you mommy. This is for you, nagtatrabaho ako para sa’yo!” aniya.

Surprise Reveal

Agad na umuwi si Boss Keng upang personal nang ihandog ang regalo sa kanyang misis. Pagkapasok ng kanilang kwarto, inaya ni Boss Keng ang kanyang asawa palabas para sa kanyang big surprise reveal.

Gaya ng inaasahan, maligalig at kitang kitang ang saya si Pat sa surpresang naghihintay sa kanya, at laking gulat nito nang tuluyang makita ang bagong kotse.

“May sasakyan na tayo?!” ani Mrs. Gaspar.

“Thank you, love! Akin ba ‘to?” dagdag pa nito, 

Sagot naman ni Boss Keng: “Syempre!”

Hindi rin pinalampas ni Mommy Pat ang pagkakataon na subukang sakyan at imaneho ang bagong sasakyan ng kanilang pamilya habang hindi ito tumitigil pasalamatan ang asawa sa kanyang regalo.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

11 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

21 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

22 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

22 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

22 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.