Cong TV, Viy Cortez Moto Vlogging Contents Trends Back-to-Back on YouTube

Muling pinatunayan nina Cong TV at Viy Cortez na sila pa ring ang hari at reyna ng YouTube Philippines! Ito ay matapos ang back-to-back top trending ng kanilang latest vlogs na may kinalaman sa kanilang bagong bonding, ang pagmomotorsiklo. 

Matapos surpresahin ng 26-anyos na vlogger at VIYLine CEO ang kanyang longtime boyfriend, sabay nang nagsanay ang soon-to-wed couple para mapanatiling ligtas ang kanilang mga biyahe.

Meet Blackie

Sa bagong vlog ni Viy Cortez, ipinakilala nito ang kanyang bagong kaagapay sa pagmomotorsiklo, si Blackie. Ang bagong motor ay isang all-black Honda Rebel 1100 na ipinakilala bilang kapatid ng kanyang Kawasaki Ninja 400

Sa oras ng pagsulat ng balitang ito ay pumalo na sa higit 1.3 million ang views ng nasabing vlog ni Viviys na agad sumampa sa Top 2 Trending sa YouTube Philippines higit 15-oras matapos itong i-upload.

Sa nasabing vlog, ipinakita rin ni Viy ang kauna-unahang pagkakataon na lumabas ito upang mag ride kasama si Cong TV at Junnie Boy

“Sobrang saya kagabi, Greenie! Nailabas na rin kita, nakaka tambike na rin kami! Gusto mo pa ng kapatid?” ani Viy Cortez. 

Group Management Riding Course

Samantala, Top 1 Trending naman sa YouTube Philippines ang latest vlog ni Cong TV na pumalo na sa 2.2 million views.

Dito namanipinakita ni Cong ang pagsasailalim ng Team Payaman Moto Club sa dibdibang Group Management Riding Course. 

Dinala ng 31-anyos na batikang vlogger ang buong grupo sa Motorclyde Training Center sa Batangas upang pag-aralan ang iba’t-ibang riding techniques at pagpapanatili ng kaligtasan sa tuwing bumabiyahe kasama ang malaking grupo. 

“Imposible ang ‘ride safe’ kung hindi niyo alam ang ride safety. Masayang mag motor, oo, pero delikado rin ito,” ani Cong TV.  

Ayon kay Cong, nagpasiya siyang mag enrol sa nasabing riding course upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na ang mga bagong lady rider sa kanilang grupo na sila Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar

Watch Cong and Viy’s trending vlogs below:

Kath Regio

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

3 days ago

This website uses cookies.