End of an Era? Team Payaman Moto Club Protests Against Cong TV

Hinaing ng Team Payaman Moto Club ang sumalubong sa chairman nitong si Cong TV matapos iprotesta ng kanyang mga kagrupo.

Samahan si Aaron Macacua, a.k.a Burong sa isang kwelang vlog kung saan ipinasilip nito ang pag-aaklas nila laban kay “Chairman.”

Chairman No More?

Sa bagong vlog ni Burong, ibinahagi nito ang naging pag-aalsa ng grupo laban sa Chairman ng Team Payaman Moto Club na si Cong TV.

“TP Moto Club: We need change! Kilos 2x Chairman Cong TV!” biro nito sa kanyang placard.

Pinangunahan nina Burong, Dudut Lang, Carding at Bods ang pag-aaklas kontra sa pamamalakad ni Cong TV.

“Pabagsakin si Chairman!” sigaw ng mga ito.

“Ano ‘yang ipinaglalaban n’yo? Ano bang pamamalakad ang ginagawa ko?” tanong ni Cong TV.

Paliwanag nina Burong at Carding, problema nila ang pagiging late ni Chairman at hindi pagsunod sa napagkasunduang oras ng alis.

Sa nasabi ring vlog ay huling-huli ang pagiging late ni Cong TV matapos mag-set ng oras ng kanilang alis para sa kanilang Tagaytay loop.

“Chairman sabi mo 5:30 alis, umalis tayo 6:30!” sigaw ni Burong.

Depensa naman ni Chairman Cong, late rin namang gumising ang kanyang mga ka-miyembro dahilan upang mas mahuli ito sa kanilang mga nakaplanong ride.

“Sa paningin ko, wala akong ginagawang mali,” ani Cong TV.

Isa pa sa mga hinaing ng grupo ay ang pamamalakad ni Cong TV pagdating sa pangangasiwa sa daan tuwing may ride ang mga ito.

The Resolution

Bilang resolusyon, naghain ng ilang rekomendasyon ang bagong miyembro ng TP Moto Club na si Viy Cortez, a.k.a Lady Rider Greenie Warrior  #14.

“Oh sige, pagbihisin n’yo siya ngayon, tignan n’yo kung ilang minutes [aabutin],” ani Viviys.

Matapos ang kanilang practical test, napagtantong nagkamali ang mga miyembro sa kanilang mga paratang sa kay Chairman.

Hindi nagtagal ay naisuot naman ni Cong TV ang kanyang mga safety gears sa loob ng sapat at saktong oras.

Walang pagdadalawang-isip na humingi ng paumanhin ang mga nag-welga sa kanilang Chairman.

“Ako ang bahala, pagbigyan n’yo lang ako ngayon. Pero hayaan n’yo, aayusin ko ang plataporma” pangako naman ni Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.