Team Payaman’s Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng is the Newest Kymco Philippines Brand Ambassador

Isang magandang balita ang hatid ni Boss Keng para kanyang mga kapwa motorcycle enthusiasts sa Team Payaman Moto Club. 

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng ang isang bagong tagumpay at oportunidad na hatid sa kanya ng Kymco Philippines Incorporated.

The good news

Unang ibinahagi ni Boss Keng ang magandang balita sa kanyang mga kaibigan sa Congpound, partikular na kay Team Payaman founder Cong TV. 

“Parang buntis na naman ah? Baka mamaya PT yan ah!” biro ni Junnie Boy nang ianunsyo ni Boss Keng na mayroon siyang sasabihin.

“Gusto ko makita ni Bossing (Cong) ‘to eh! Kasi lahat nang ‘to kundi dahil sa tulong ni Bossing,” dagdag pa ni Boss Keng.

Dito na ipinakita ng Team Payaman vlogger ang Facebook post ng Kymco Philippines na nagsasabing may surpresa sila para kay Boss Keng.

Sa ginanap na phone meeting kasama ang Kymco, sinabi ng kanilang marketing representative na ikinatuwa ng management ang vlog ni Boss Keng kung saan sinurpresa nito ng bagong Kymco motorcycle ang misis na si Pat Velasquez-Gaspar.

“Dahil dyan Boss Keng, may surprise din kami para sayo! Dahil natuwa kasi yung management ng Kymco, magbibigay po kami sa inyo ng hindi lang isa pero dalawa Boss Keng na motor.” 

Isang KYMCO Like 125 Italia at KYMCO Like 150 lang naman ang naghihintay para kay Boss Keng. 

But wait, there’s more!

“Since nakakadalawa ka na Boss Keng na motor from Kymco, balak ka na din sana namin kunin as Brand Ambassador ng Kymco Philippines.”

TP Moto Club rejoice

Labis na ikinatuwa ni Boss Keng ang pagiging opisyal na brand ambassador ng nasabing motorcycle brand sa bansa. 

Halos mangiyak ngiyak naman ang Team Payaman Moto Club sa bagong achievement ni Boss Keng.

“Ang lupit mo!” ani Cong TV

“Kung hindi dahil sayo, wala ‘to!” sagot naman ni Boss Keng.

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

20 hours ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

5 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

6 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

6 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

6 days ago

This website uses cookies.