Roger Raker Takes Viewers to His Family’s Taiwan Trip

Sa ikalawang yugto ng kanyang Taiwan travel vlog, muling sinama ng Team Payaman vlogger na si Roger Raker ang kanyang manonood sa isang masayang adventure. 

Dito ipinakita ni Roger ang unang araw ng kanilang bakasyon sa Taiwan kasama ang longtime girfriend na si Mikhaela Cruz, anak na si Yuri, ang kanyang ina, at mga kapatid na sina Kat at Lee Sepagan.

First “no cam” travel vlog

Sa unang pagkakataon sa kanyang higit isang dekadang karera sa paggawa ng YouTube vlog, inamin ni Pau Sepagan, a.k.a Roger Raker, na ito ang unang beses na gagawa siya ng travel vlog na walang dalang camera o ano mang vlogging equipment. 

Paliwanag nito, tanging cellphone lang ang dala niya dahil mas prayoridad na nilang bitbitin ang mga gamit ng kanilang unico hijo na si Yui. 

Pagdating sa Taiwan ay hindi na pinalampas ng kanilang pamilya na puntahan ang magagandang tanawin sa nasabing bansa. 

Bagamat walang dalang vlogging camera ay sinulit naman ni Roger ang paggamit ng kanyang cellphone para maibahagi pa rin ang ganda ng Taiwan sa kanyang vlogs.

Gondola Ride

Kabilan sa mga sinubukan ng kanilang pamilya ay ang sumakay sa Maokong Gondola sa kauna-unahang pagkakataon.

Kwento ni Roger, sinulit nila ang paglalakad sa bakasyong ito dahil wala silang dalang kotse  at may kamahalan ang transportasyon gaya ng taxi.  

“Kaya sa mga nagbabalak pumunta sa Taiwan, better kung familiar ka sa mga point-to-point bus para mas swabe yung travel niyo,” payo ni Roger. 

Bagamat may kamahalan ang bayad sa gondola ride, ani Roger ay sulit naman ito dahil sa pansamantalang pahinga at may bonus pang magandang tanawin habang patungo sa kanilang destinasyon. 

Samantala, pagbaba ng gondola ay nakakita sila ng mga cute photobooths kaya hindi rin pinalampas ang pagkakataon na subukan ito.

“Iba talaga yung value ng printed pictures, kesa sa mga nakasanayan natin ngayon na digital pictures o yung mga pictures natin sa cellphone,” ayon sa batikang vlogger.

“Iba yung pakiramdam na nakita mo yung isang photo randomly sa desk mo or nakasabit sa ref, iba yun eh kesa sa makita mo yung isang picture sa cellphone mo. ‘Di ko ma-explain, iba yung sentimental value niya,” dagdag pa nito. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

14 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

3 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

3 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.