LOOK: YouTubers Ranz and Niana Tries Cong Clothing and VIYLine Cosmetics

Pangmalakasan na talaga ang Cong Clothing at VIYLine Cosmetics dahil kamakailan lang ay sinubukan ito ng world-famous Pinoy vloggers na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero.

Alamin kung ano ang naging hatol ng magkapatid sa mga produkto ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez.

Cong Clothing

Sa kanilang bagong vlog, sumubok ng iba’t-ibang mga produkto ng mga kapwa nila vloggers ang magkapatid na sina Ranz Kyle at Niana Guerrero.

Una nilang sinubukan ang mga produkto nina Cong TV at Viy Cortez na Cong Clothing at VIYLine Cosmetics.

“Now, we’re supporting brands like a family!” ani Ranz Kyle. 

Ayon sa magkapatid, ang kanilang criteria for judging ay umiikot sa branding, quality, at overall use ng mga produkto.

Unang hinatulan ng dalawa ang clothing brand ni Team Payaman founder Cong TV, ang Cong Clothing.

“The first product is from the one and only… Team Payaman!” 

“This is medium, this is right about my size. Medyo oversized, I feel like keri ‘to pang sayaw” ani Niana.

Dagdag pa nito: “I like it, hindi s’ya masyadong makapal.”

Para sa branding, binigyan nila ito ng 8.5 rating, habang ang quality naman ito ay pumalo ng 8.5 para kay Ranz Kyle at 9 naman para kay Niana. 

Para sa kabuuang hatol, binigyan nila ng 8.5 at 9 rating ang mga produktong kanilang nabili sa Cong Clothing.

“Shout out po, Kuya Cong! Pawer!” ani Niana.

VIYLine Cosmetics

Hindi rin pinalampas ng dalawa na masubukan at mabigyan ng hatol ang makeup line ng fiancé ni Cong TV na si Viy Cortez, ang VIYLine Cosmetics.

“We have a girly product over here, we have VIYLine Cosmetics by Ate Viy!” ani Niana.

Bumili ito ng best-selling water based tint ng VIYLine Cosmetics in the shade of Viy. Ayon kay Niana, bagamat hindi diya mahilig sa makeup ay lakas loob niyang susubukan ang produkto ni Viviys. 

“Ayan po ‘yung kulay n’ya, very red! Parang juice!” komento ni Niana.

Ipinasubok din nito ang produkto sa nakababatang kapatid nitong si Natalia Guerrero na siyang mahilig maglagay ng makeup.

“Pak!”  biro ni Niana.

Hinatulan ni Niana ang VIYLine Cosmetics ng 7.5 rating para branding nito, 8.5 para sa quality, at 8.5 overall rating.

“Thank you po, Ate Viy!” pasasalamat ni Niana.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.