Boss Keng Spoils Wife Pat Velasquez-Gaspar With New Riding Gears

Matapos bilhan ng bagong motorsiklo ang kanyang misis, panibagong surpresa ang hatid ni Boss Keng kay Pat Velasquez-Gaspar bilang suporta sa kanyang “riding journey.”

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Boss Keng kung paano nito sinurpresa si Pat, a.k.a Lady Rider #17 ng bagong riding gears. 

TP Girls Ride

Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa Congpound dahil ngayon ay ang mga misis na ng Team Payaman boys ang nagpapaalam na umalis para mag motorsiklo. 

Ayon kay Pat, niyaya siya ni Viy Cortez na mag motor kaya naman agad itong nagpaalam sa kanyang mister. 

“Kung pwedeng ikaw muna magbantay kay Isla kasi mag-stock naman ako ng gatas,” paliwanag ni Mrs. Gaspar.

“Ano lang ‘to, 5 hours lang na alis babalik din naman agad ako,” dagdag pa nito.

Agad naman itong pinayagan ni Boss Keng, ngunit bago ang kanilang track day ay siniguro ni Mr. Gaspar na kumpleto ang riding gear ng kanyang misis. 

Agad nagtungo si Boss Keng sa Moto Market sa Westgate Alabang upang bumili ng bagong tracksuit at riding boots para kay Pat. 

Si Boss Keng na rin ang nagsukat ng mga pinamili para sa asawa dahil aniya halos magkasing sukat naman sila sa damit at sapatos. 

The surprise

Matapos mamili ay masayang umuwi si Boss Keng bitbit ang kanyang mga pasalubong. Sa sobrang excitement, inakala ni Pat na sports bike ang surpresa sa kanya ng asawa.

“Nagpaalam ka ‘di ba na may motor ka bukas. Ngayon, anong isusuot mo?” ani Boss Keng sabay pakita sa misis ng kanyang pasalubong. 

Laking tuwa naman ni lady rider #17 nang makita ang bagong tracksuit at riding boots.

“Ganyan kita kamahal,” dagdag pa ni Boss Keng. 

“Thank you, love!” pasasalamat ni Pat. 

Agad din nag outfit check si Mrs. Gaspar upang masiguro na swak sa kanya ang mga bagong riding gears. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.