Vien Velasquez and Junnie Boy’s Team Giyang Tries Chiropractic For The First Time

Isang kakaibang experience ang sinubukan ngayon ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez, kasama ang iba pang miyembro ng Team Giyang. 

“What’s up sa inyo mga ka-rakrak! Patutunugin natin ngayon ang mga buto niyong matagal nang nanahimik!” bungad ni Junnie Boy. 

Chiro Day

Sa kanyang bagong vlog, ibinhagi ni Mommy Vien ang pagbisita nila sa Fine Spine Chiro-Manipulative Therapy Clinic na matatagpuan sa 30 Maginhawa St. Quezon City. 

Dito nakilala ng grupo ang isang licensed chiropractor expert na si Bry Pineda, na siyang nagpalagutok ng kanilang mga buto-buto. 

Pero ano nga ba ang Chiropractic Therapy? Ito ay isang uri ng physical therapy na ginagawa upang maibsan ang sakit ng katawan at malunasan ang mga problema sa gulugod o spine. 

Bago sumalang, binusisi muna ni Vin kung ano ba ang ginagawa sa isang chiropractic session?

“Masakit po ba? Masarap po? May tumutunog talaga?” tanong nito sa receptionist sa clinic.

Ayon pa sa 26-anyos na vlogger, tiyak na magugustuhan ng kanyang mister ang nasabing physical therapy dahil mahilig aniya itong magpatunog ng buto pagtapos mag motor.

Unang sumabak sa chiropractic session ang Team Payaman driver na si Kuya Terio. Ayon sa mga eksperto sa clinic, aabot ng halos kalahating oras ang isang session kasama na ang initial health assesment ng pasyente. 

“Swabe! Wow! Grabe yun, brad!” ani Kuya Terio. 

Chiropractic Benefits

Hindi rin pinalampas ni Junnie Boy ang pagkakataon na tanungin ang mga eksperto kung ano ba ang benepisyo ng chiropractic therapy.

“Unang una yung back pain, yung ang nati-treat ng chiro. Pangalawa yung posture, naayos yung posture,” ani Sir Bry Pineda. 

Tinanong din ni Junnie kung nakakatulong ba itong malunasan ang sakit ng ulo, sagot naman ng eksperto: “Yes! Kasi konektado yan sa spine din.”

Sunod na sumabak sa session sina Carlos Magnata, a.k.a Bok, Mommy Vien, at Junnie Boy. 

Sa sobrang sarap ng nasabing therapy, isa lang ang nasabi ni Junnie Boy: “Bakit ganito (kasarap) ‘to? Bakit ngayon ko lang na-experience sa buhay ko ‘to? Masarap! Para pong nirerestart yung katawan ko, doc.”

Watch the full vlog below: 

Kath Regio

Recent Posts

Cong Clothing Drops An Exclusive Summer 2025 Collection

For the first time this year, Team Payaman’s Cong TV’s very own clothing line, Cong…

18 hours ago

Boss Keng Shares Snippets of Kuya Isla’s Swimming Bonding with Mommy Pat

Sa pinakabagong vlog ng Team Payaman member na si Exekiel Christian Gaspar, a.k.a Boss Keng,…

2 days ago

Summer Just Got Better with Viyline MSME Caravan at SM Dasmariñas

The VIYLine MSME Caravan is a great opportunity for local business owners to show their…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Get Real About Being Second-Time Parents

Matapos ang matagal na paghihintay, masayang ibinahagi ng Team Payaman power couple na sina Viy…

7 days ago

Alex Gonzaga Shares a Sneak Peek of Her Dream Home’s Progress

Sa bagong vlog ng social media star at aktres na si Alex Gonzaga-Morada, handog niya…

1 week ago

Summer Outfit Ideas ft. Muyvien Apparel’s Everyday Basics Collection

Let’s be real—summer fashion is a balancing act. You want to look cute, but you…

1 week ago

This website uses cookies.