ICYMI: Team Payaman Stars in a Zack Tabudlo Music Video, and Here’s What You Should See

Kamakailan lang ay itinampok sa isang music video ang acting skills ng ilang Team Payaman members. Bumida ang mga ito sa “Gusto” music video nina  Zack Tabudlo at Al James.

Matapos ang isang buwan, ipinasilip na ni Kevin Hermosada ang ilan sa mga behind-the-scenes ng nasabing collaboration ng Team Payaman at ni Zack Tabudlo. 

The Preparations

Sa bagong vlog ni Kevin Hermosada, sinama nito ang mga manonood sa kanilang shooting ng music video ni Zack Tabudlo at Al James.

Ibinahagi nito na kapitbahay nila si Zack, at pabirong sinabing hindi man lang daw siya inabisuhan ng mga kasama na oras na para umalis.

“Si Zack naman kapitbahay lang, ‘di mo man lang kami sinabay idol!” biro ni Kevin.

Nangangamba naman si Steve Wijayawickrama matapos itong takutin ni Kevin na pakakantahin sila isa-isa.

“Kantahin mo nga [yung Gusto],” ani Kevin

Sagot naman ni Steve: “‘Di ko nga alam eh!”

“Paanong ‘di mo alam, iisa-isahin tayo ‘dun!” panakot ni Kevin.

Excited na sina Kevin, Steve, at Carding dahil anila isang karangalan ang mapasama sa music video ng isang OPM artist.

“Tignan natin kung masasama talaga tayo sa music video ni Zack Tabudlo ‘no. Cameo nga lang ‘yung gaganapin namin ‘don pero okay na rin!” dagdag ni Kevin. 

Behind-The-Scenes

Pagdating sa location ay nakasama na nina Kevin sina Cong TV at iba pang Team Payaman boys na naghihintay na rin sa kanilang shooting.

Ayon kay Steve, inaasahan niyanng sampung segundo lang ang kanilang magiging exposure sa nasabing music video.

Nang bilangin ni Kevin, umabot lang dalawang segundo ang exposure ni Steve habang si Kevin at Carding naman ay umabot ng pitong segundo.

Ibinida naman ni Burong ang higit 20-seconds exposure nito dala aniya ng kanyang pangmalakasang OOTD.

“Par 20 seconds, best actor! 20 seconds, 2 days wardrobe!” biro ni Burong.

“Ang galing namin bumato ng popcorn guys ‘no? Grabe ‘yung experience talaga. Grabe, professional popcorn throwerist!” biro din pa Kevin.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

19 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.