Muling pinatunayan ni Carlos Magnata, a.k.a Bok, na siya ang “ultimate hype man” ng Team Payaman at kayang humakot ng fans at customers dahil sa kanyang karisma.
Sa kanyang bagong vlog, sinama ni Bok ang kanyang mga manonood sa isang Burgeran branch tour.
Kasama sina Burgeran ambassadors Junnie Boy at Boss Keng, ipinakita ni Bok kung gaano siya kagaling manghikayat ng customers.
Binista nina Junnie Boy, Boss Keng, Bok, at Burgeran team ang ilang bagong bukas na burger-stall branches sa Laguna at Cavite.
Una silang pumunta sa San Pedro, Laguna branch kung saan unang sinubukan ni Bok ang kanyang karisma bilang hype man.
“Dito sa opening paparamihin natin, medyo konti pa lang yung tao eh!” ani Bok.
Kabilang sa mga strategy ni Bok upang manghikayat ng customers ay ang pamimigay ng libreng burgers at pagpapaunlak ng selfie sa mga tao.
Dinayo rin ng grupo ang mga bagong bukas na Burgeran branches sa Imus, Tanza, at Bacoor sa Cavite.
Pagdating sa kanilang last stop sa Tanza, napansin ni Bok na tila kakaunti ang tao na pumunta sa nasabing event.
“Ma’am, medyo kaunti ang tao dito noh? Gusto niyo magtawag ako?” tanong ni Bok sa isang Burgeran boss.
Dali-daling nanghikayat ng customers si Bok sa kalsada, na ikinatuwa naman ng mga boss ng nasabing food stall.
“Isa lang masasabi ko, sobrang lupit mo, Kuya Bok! Para kang magnet, nakaka-attract!”
Sa huli, inamin ni Bok na ginagalingan niya ang kanyang role bilang hype man para sa pagkakataong magkaroon ng sarili branch ng Burgeran.
Nanawagan din si Bok sa big bosses ng Burgeran na bigyan sya ng hindi lang isa, kundi maraming franchise branch ng Burgeran. Magtagumpay nga kaya si Bok sa kanyang plano?
Watch the full vlog below:
The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…
Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…
Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…
Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…
It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…
This website uses cookies.