TOP TRENDING: Viy Cortez Welcomes ‘Lady Rider Era’ to Support Cong TV’s Hobby

“If you can’t beat them, join them!”

Iyan ang pinatunayan ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez matapos mag-aral magmaneho ng motorsiklo para sabayan ang hobby ng kanyang fiance na si Cong TV. 

Sa kanyang bagong vlog na kasalukuyang top 1 trending sa YouTube Philippines, ibinahagi ng 26-anyos na vlogger at entrepreneur ang pinagdaanan nito para masurpresa ang kanyang soon-to-be husband. 

Driving lessons

Sa tulong ng mga kaibigan at kasabwat, sumailalim si Viy Cortez sa matinding driving lessons sa patnubay ni Philippine Superbike Champion Coach Dashi Watanabe.

Ilang linggong palihim na nag-training si Viy sa kagustuhang masurpresa si Cong na talaga namang humaling na humalikng sa pagmomotorsiklo.

“Ang saya ko, sobra! Buti na-experience ko!” ani Viviys matapos ang unang sabak sa training.

Minabuti na rin nitong bumili ng Kawasaki Ninja 400 na magagamit niya sa pag-eensayo at sa mga future rides kasama ang Team Payaman Moto Club. 

Siyempre namili rin ng kanyang riding at safety gears ang VIYLine CEO upang makumpleto ang kanyang riding experience. 

Bagamat may mga pagkakataong natumba sa pag-eensayo, hindi napanghinaan ng loob ni Viviys upang ituloy ang kanyang misyon. 

The Surprise

Matapos ang ilang linggong pag-eensayo, sinurpresa na ni Viy Cortez si Cong TV sa pamamagitan ng pagsabay nito sa pagmamaneho ng motor sa race track. 

“Iikot muna sila ng isang lap saka ako lalabas kasama si Coach Dashi. At pag malapit na sila susubukan kong sabayan si Cong at titignan ko kung makikilala niya ba na ako si ‘Viy the Lady Rider Greenie Warrior #14!’” 

Bagamat hindi agad nakilala ni Cong si Viy sa gitna ng race track, laking gulat naman nito nang magtanggal ng helmet ang soon-to-be wife. 

“Sino siya don? Nasa likod ko?” ani Cong TV

“Nagmomotor ka na? Ang galing mo talaga! Idol kita!” sabay yakap kay Viy. 

Netizens reactions

Ikinatuwa naman ng Team Payaman fans ang nasabing vlog at labis na hinangaan ang dedikasyon at suporta ni Viy kay Cong.

@kg2539: “The fact na inaral tlga ni viy at nilakasan ang loob para matuto mag motor, that alone is very impressive! premium content”

@ericasulleraconcepion2335: “Naiyak ako kase imagine having a partner na sasabayan ka sa trip mo then magging masaya sya at supportive . May we all deserve those kinds of treatment.”

@mitchiebigcas274: “ANG LUPIT MO VIVIYS️️️SARAP ULIT ULITIN NG REACTION NI CONG RELATIONSHIP GOALS TLGAAAAA️ nakangiti lang ako hbang nanonood.”

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

21 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.