Pat Gaspar Joins Team Payaman Moto Club Lady Riders; Receives New Motorcycle From Boss Keng

Palaki na nang palaki ang Team Payaman Moto Club matapos opisyal na tanggapin sa grupo ang kauna-unahan nilang “Lady Rider” na si Viy Cortez. 

Pero bukod kay Viviys, panibagong lady rider ang makakasama ng tropa matapos ang surpresang hatid ng kanyang mahal na asawa. 

The Surprise

Sa bagong vlog ni Boss Keng, isinama nito ang mga manonood sa kanyang pakay na bilhan ng sariling motorsiklo ang asawa nitong si Pat Velasquez-Gaspar.

Napagisipan ni Boss Keng na bilhan din ang kanyang misis ng kanyang motor upang hindi ito mahuli sa bagong kinahihiligan ng Team Payaman girls na sinai Viy Cortez at Vien Iligan-Velasquez.

Patagong naghanap si Boss Keng ng bagong motor upang hindi nito mabuko ang surpresang inihanda para sa kanyang lady rider.

“This is my surprise gift for you for being a good mom! I love you and our baby!” ani Boss Keng.

Ninanais ni Boss Keng na mabilhan ang kanyang misis ng mga kakaibang disenyo ng motor kaya naman medyo nahirapan itong maghanap ng babagay kay Pat.

Ibinida kay Boss Keng ang Mini AK550 na hindi nalalayo sa disenyo ng kanyang motorsiklo. Laking tuwa nito nang makita kung gaano kaganda ang motor na napupusuan para sa  asawa. 

Lady Rider #17

Dumeretso na agad si Boss Keng sa kanilang kwarto upang ihatid ang surpresa nito kay Pat.

“Nako, kinakabahan ako sa mga sabi-sabi na ‘yan! Ayoko ng ganyan” ani Pat.

Abot tenga na agad ang ngiti ni Pat nang marinig na mayroong munting regalo ang kanyang mister.

Ilang sandali pa ay lumabas na ng bahay si Pat habang inaalalayan ng mga kasamahan sa Congpound. Pagdilat ng mga mata ay nanatiling “speechless” si Pat nang personal na nasilayan ang kanyang bagong motorsiklo.

“Kakapanganak ko pa lang pero niregaluhan na ako ng motor!” biro ni Pat.

Matapos makuha ang regalo, agad ding ibinalita ni  Boss Keng kay Viy ang kanyang surpresa. 

“Viviys, nagmomotor ka na ‘di ba? May regalo ako sa’yo!” ani Boss Keng.

Sagot naman ni Viy: “Ano regalo mo, motor?” 

Laking gulat nito nang makita ang kaibigang si Pat suot ang full gear at gamit ang bagong motorsiklo.

“Hindi kita nakilala!” natutuwang reaksyon ni Viy.

Opisyal na ring tinanggap ng TP Moto Club ang lahat ng mga bagong lady rider ng grupo na sina Viy, Vien, at Pat sa pamamagitan ng kanilang legendary welcoming ritual na pinamunuan ni Cong TV.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

12 minutes ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

2 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

2 hours ago

Cong TV Brings Holiday Joy Through Special Home Giveaways with Team Payaman

Isang maagang pamasko ang hatid ng Team Payaman headmaster na si Cong TV sa isang…

3 days ago

Day 1 Recap: Viyline MSME Caravan Celebrates Its 11th Leg this 2025 at SM Center San Pedro

The Viyline MSME Caravan officially opened its doors at SM Center San Pedro, marking the…

4 days ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Opens Up About His Ear Surgery in Latest Vlog

Kamakailan, matapang na ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada ang personal at…

4 days ago

This website uses cookies.