Japanese Votes Who is the Most Handsome and Most Beautiful Team Payaman Member

Sa pagpapagtuloy ng Japan vlog series ni Steve Wijayawickrama, isang kakaibang survey ang naisipan nitong gawin habang nasa ibang bansa. 

Tinanong ng Sri Lankan vlogger ang pulso ng Japan kung sino ba ang pinaka-gwapon at pinaka magandang miyembro ng Team Payaman. 

Sino kaya ang hinirang na “Most Handsome and Most Beautiful Team Payaman Member” sa Japan?

Most Handsome TP Member

Habang namamasyal sa Shibuya, naisipan ni Steve Wijayawickrama na tanungin ang ilang kababaihan at  kalalakihan kung sino ba ang pinaka gwapo sa Team Payaman. 

Isa-isang nilapitan ni Steve at ng kanyang kaibigan na si Joshua ang ilang nakakasalubong sa daan at ipinakita ang mga larawan ng OG Team Payaman vloggers na sina Cong TV, Junnie Boy, at Boss Keng.  

“I will show you a picture, there are 3 famous people in here; pick the most handsome one,” ani Joshua sa isang Japanese girl. 

Sa una ay tila nahirapan pang mamili ang dilag, ngunit sa huli ay ibinigay nito ang kanyang boto kay Team Payaman founder, Cong TV. Karamihan sa mga tinanong nila ay bumoto kay Cong TV. 

Most Beautiful TP Member

Bukod sa Team Payaman boys, ipinakita rin nila Steve at Joshua ang larawan ng mga misis ng tatlong OG TP boys na sina Viy Cortez, Vien Iligan-Velasquez, at Pat Velasquez-Gaspar

Tinanong din nila ang mga ito kung sino sa tingin nila ang pinaka maganda sa tatlong Team Payaman mommies. 

Iba-iba ang naging pulso ng madlang Japan at tila nahirapan mamili kina Viy, Vien, at Pat. Ayon pa sa isa, lahat sila ay maganda kaya hindi naging madali ang kanilang pagboto. 

Final Verdict

Sa huli ay lumamang sa botohan ang YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez, kaya naman hiningan ito ng mensahe ni Steve.

“Arigato sa inyong tanan, sa mga nagboto sa akin dyan sa Japan! Maraming salamat sa inyo, hindi ko alam anong nakita nyo sa akin,” ani Cong TV. 

“Thank you so much, guys! Pero sa mga nanonood, ‘wag na ho kayon g magsalita dyan ng mga masasamang comment, alam ko hong ito ay kalokohan lamang. So ‘wag tayo masyadong nagpapaniwala, hindi lalaki ang ulo ko dito! Pero itatabi ko ‘to sa kama!” biro naman ni Viy Cortez. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

2 days ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

3 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

3 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

3 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

4 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

4 days ago

This website uses cookies.