Vien Iligan-Velasquez and Junnie Boy Sends Off Son Mavi to Big School

Ang bilis talaga ng panahon dahil road to big school na ang panganay nina Vien Iligan-Velasquez at Junnie Boy na si Von Maverick, a.k.a Mavi.

Sinama ni Mommy Vien ang kanyang mga manonood sa mga naging paghahanda ng Team Iligan-Velasquez sa paglilipat eskwelahan ni Mavi.

Entrance Interview

Sa bagong vlog ni Vien, ibinahagi ng mom-of-two ang excitement nito sa entrance interview ni Kuya Mavi sa kanyang bagong eskwelahan. Ayon dito, gabi pa lang ay nag-ensayo na silang mag-ina ng kanilang question and answer portion.

Hands on at present ang mag-asawang Junnie at Vien sa orientation day ni Mavi at personal pang inihatid  ang kanilang panganay sa eskwelahan.

Isa rin sa mga ikinatuwa ng mag-asawa ay ang lapit ng bagong school ni Mavi sa kanilang bahay sa Congpound, dahilan upang mas maging madali ang paghatid-sundo rito.

“‘Di ka na mata-traffic! Lalabas ka lang, nandyan na tayo!” biro ni Junnie.

Pagdating ay agad na sumalang si Mavi sa entrance interview at unang araw ng kanyang trial class.

Laking tuwa naman ni Mommy Vien nang malamang nakapasa sa unang assessment ang kanyang Kuya Mavi.

“Congrats kay Kuya Mavs kasi nakapasa s’ya ng Junior Advanced Exam!”

New School, New Stuff

Paguwi ng Congpound, hindi na magkamayaw si Mommy Vien sa paghahanda ng mga gagamitin ni Mavi para sa kanyang 3-day trial class.

“Mommy, nasan ba ‘yung uniform ko?” tanong ni Mavi.

Ani Vien, pagkapasa pa lang ni Mavi ay agad na nila itong in-enroll sa nasabing eskwelahan at binili na rin nila ito ng mga school supplies.

Magkasamang inayos nina Mommy Vien at Kuya Mavi ang gagamitin nitong bag para sa kanyang ikalawang araw sa paaralan.

Bukod sa kanyang gamit, inihanda na rin ni Mommy Vien ang susuotin ni Mavi mula sa kanyang damit hanggang sa kanyang sapatos.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

19 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.