Sa pagpapatuloy ng Japan travel vlog series ni Cong TV, ibinahagi ng legendary YouTuber ang kanyang misyon na makapag motorsiklo sa ibang bansa.
Matapos ipasyal ang anak na si Kidlat, ipagdiwang ang anibersaryo nila ng nobyang si Viy Cortez at makapag prenup photoshoot, oras na para isakatuparan ang pangarap ng 31-anyos na vlogger.
“Dalawang bagay na lang ang hindi ko nagagawa; makapag motor sa Japan at makita ang Mt. Fuji,” ani Lincoln Velasquez.
“Magiging parte na siya ng memorya ko na habang buhay kong dadalhin,” dagdag pa nito.
Hindi kumpleto ang “Japan Ride” ni Cong TV kung hindi kasama ang Team Payaman Moto Club, kaya naman sumunod sa nasabing bansa sina Junnie Boy, Boss Keng, Dudut Lang, at Yow Andrada.
Bago tuluyang makapag motorsiklo sa Japan ay namili muna ang grupo ng kanilang mga safety gears at riding outfit.
Binilhan din ni Cong ng bagong helmet na may communication set ang kanilang Pinoy tour guide na si Kuya Jonas at James.
Labis namang ikinagalak ng Team Payaman Moto Club ang kanilang kauna-unahang biyahe sa Japan.
“Hanggang saan ka dadalhin ng ka-adikan mo sa motor? Hanggang Japan!” ani Boss Keng
“Solid dito sa Japan, pre!” sagot naman ni Junnie Boy.
Dagdag naman ni Yow: “Par, nababaliw ako, par!”
Kasama sina Junnie Boy, Boss Keng, Dudut Lang, Yow Andrada, at Papa Shoutout, tinahak ng grupo ang makapigil hiningang view patungong Mt. Fuji.
Nadaanan din ng TP Mot Club ang sikat na Hakone Turnpike, kung saan kinunan ang mga eksena sa commercial ang professional Grand Prix motorcycle road racer na si Marc Marquez.
Pero pagdating sa kanilang destinasyon ay tila nabigo si Cong TV na makita ang pamosong Mt. Fuji.
Watch the full vlog below:
Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…
As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…
Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…
Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…
Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…
Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…
This website uses cookies.