Steve Wijayawickrama Revisits Japan with Team Payaman and Here’s What Happened…

Kamakailan lang ay lumipad ang ilang Team Payaman members patungong Japan. Bukod sa trabaho ay nakipagkita rin ang mga ito sa kanilang bossing Cong TV.

Sa pangalawang pagkakataon, muling nabisita ni Steve Wijayawickrama ang Japan matapos ang bakasyon nito noong nakaraang taon.

Team Payaman Goes To Japan

Sa bagong vlog ni Steve, isinama nito ang mga manonood sa kanilang mabilisang biyahe patungong Japan.

“Today, we were able to go to Japan again, but this time, with Team Payaman!” ani Steve. 

Alas-onse pa lang ng gabi ay umalis na sa Congpound sina Steve, Boss Keng, Junnie Boy, at, Dudut Lang para maka-abot sa kanilang 2 AM flight. 

Pagsakay ng eroplano, agad na hinirang bilang “Able-Bodied Passenger” o ABP si Steve, dahilan upang maupo ito sa tabi ng emergency exit ng eroplano.

Laking pasasalamat ni Steve sa tiwala ng nasabing airlines upang mapanatili ng kaligtisan ng mga pasahero sa eroplano.

JapanVENTURES

Hindi pa man nagtatagal ay punong-puno na ng adventures ang Japan trip ng Team Payaman matapos subukan ang reputasyon ng Japan bilang isang ligtas na lugar. 

Ayon kay Steve, sinadya niyang iwan ang kanyang cellphone upang masubukan kung talagang 0% ang crime rate sa nasabing bansa.

“Umakting na ako para maniwala sila sa akin na nawawala nga ‘yung cellphone ko.” aniya.

Laking tuwa at gulat ni Steve nang ibalik ng front desk ng airport ang kanyang telepono.

“Grabe! The test has come to an end! Japan is the safest country in the whole world!” pagmamalaki ni Steve.

Sunod na nagkita-kita ang Team Payaman Wild Dog at sabay-sabay nananghalian. Matapos kumain ay naisipan nilang magpahinga, ngunit bigo si Steve dahil sa lakas ng hilik ni Dudut. 

Kaya naisipan na lang nitong mamasyal kasama ang kapwa editors na sina Eph Abarca at Carlo Santos at namili sa kilalang general merchandise store sa Japan na Don Quijote.

“Everything you need in life, mahahanap mo sa Don Quijote!” ani Steve.

Naisipan din ni Steve na bumili ng isang bagay para sa  kanyang roommate na si Dudut Lang.

“Binilhan kita pre. ‘Di ko rin maintindihan ‘yung letters eh. Pero pag tinignan mo ‘tong babae sa baba…”

Sagot naman ni Dudut: “Mahimbing tulog n’ya!” 

“Para daw hindi humilik pre!” dagdag ni Steve.

Watch full video below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

1 day ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

1 day ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

2 days ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

2 days ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

2 days ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.