Another day, another prank ang hatid sa atin ng Team Payaman vlogger na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang.
Sa kanyang bagong vlog, isinalaysay ni Dudut kung paano niya biglaang naisip na i-prank ang kaibigan at kapwa content creator na si Steve Wijayawickrama.
Nagtagumpay nga kaya si Dudut na mabiktima ang Sri Lankan vlogger ng grupo?
Nagsimula ang lahat ng hingin ni Steve ang contact number ng isang cheesecake seller mula sa nobya ni Dudut na si Clouie Dims.
Nagustuhan kasi nito ang Mini Biscoff Cheesecake na laging binibili ni Clouie at ibinabahagi sa mga kasamahan sa Content Creator House.
Sa kasamaang palad, maling cellphone number ang nakuha nito. Imbes na sa reseller ay contact number ni Clouie ang nakuha ni Steve at nagsimulang i-text ito upang umorder.
Dahil dito naisipan ni Dudut na lokohin ang kaibigan at magpanggap na seller at paniwalain na tagumpay ang kanyang pag-order.
Agad naman sinakyan ng kanyang mga kasamahan ang trip ni Dudut.
“Kapag nagtanong kung magkano, doblehin mo yung presyo!” biro ni Yow Andrada.
Bilang kunwaring seller, inundyukan pa ni Dudut na mag-order ng mas maraming cheesecake si Steve.
“Sir, baka gusto niyong dagdagan para i-resell niyo sa province. Try lang natin, baka mag-work,” biro nito.
Sagot naman ni Steve: “1 day lang po kasi ako sa province namin, bibisita lang po ako sa house namin kaya ipapasalubong ko.”
Buong araw nakipagpalitan ng text message ang nagpapanggap na si Dudut upang paniwalain si Steve na siya ay reseller ng cheesecake.
Pagsapit ng gabi ay oras na para kunwaring ideliver ang nasabing cheesecake order. Pero imbes na Mini Biscoff Cheesecake, sari-saring tinapay ang binigay ni Dudut kay Steve.
“Kayo yon? Ikaw yung kausap ko all this time?” laking gulat ni Steve.
Plano palang ipasalubong ni Steve ang mga cheesake sa kanyang kapatid na si Kristine na sa kasalukuyan ay nasa Baguio City.
“Ano, wala talaga? Na-prank ako ng mga tropa, pre!”
Watch the full vlog below:
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.