Vien Iligan-Velasquez Welcomes New Home; Celebrates with a House Blessing

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na tapos na ang pagpapagawa ng bahay ng pamilya ni Vien Iligan-Velasquez sa Trece Martires City sa Cavite.

Ngayon ay sama-samang sinalubong at ipinagdiriwang ng Iligan Family ang kanilang bagong tahanan sa isang munting salo-salo.

House Blessing

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi nito ang mga kaganapan sa likod ng kanilang pinakahihintay na house blessing. 

Gabi pa lang ay bumyahe na sina Vien, Junnie Boy, Mavi, at Viela mula Congpound patungo sa Cavite para doon na magpalipas ng gabi bago ang house blessing kinabukasan.

“Excited na kaming lahat kasi mabe-bless na ang aming bagong bahay!” ani Vien.

Napagkwentuhan pa ng mag-asawang Junnie at Vien ang kanilang mga alaala sa lumang bahay nina Vien na kung saan sa sala pa raw natutulog ang mga ito.

Pagdating sa kanilang bahay ay nakipaglaro na agad sina Kuya Mavi at Viela sa kanilang mga pinsan at mga kamag-anak.

Hindi nagtagal ay sinimulan na ang house blessing ng bagong bahay ng Team Iligan na lalong pinasaya ng kanilang munting pagsasalo-salo.

At syempre, bumisita rin ang pamilya nina Cong TV, Viy Cortez, at Kidlat na game na game na nakiparty sa house blessing nina Vien. 

Sumunod din ang ilan pang Team Payaman members gaya nina Dudut Lang, Clouie Dims, Burong, at Aki Angulo.

A Million Thanks

Pinasalamatan ni Vien ang mga bisitang nagpunta at mga taong tumulong upang maisakatuparan ang kanilang pinapangarap na bahay.

Hindi rin napigilan ng ama ni Vien na ibahagi ang nararamdamang saya dala ng kanilang bagong tahanan.

“Ang ganda. [Favorite ko] ‘yung TV tsaka ‘yung kwarto tsaka ‘yung baba ganda kasi eh. Tsaka ‘yung blinds” ayon naman kay Kuya Mavi.

“Syempre masaya ako nakarating ‘yung aking mga kaibigan, kamag-anak. At tayong lahat ay kumpletong mag-anak,” pasasalamat naman ni Mommy Fe.

At syempre, nagpasalamat din si Vien sa mga taong tumulong upang maging posible ang pagkakaroon nito ng bagong bahay para sa pamilya.

“Thank you din kay Junnie Dad ayan, kung hindi dahil sa inyo, kay Cong TV, kay Junnie Dad at sa lahat… Cong TV syempre, dinala n’ya tayo sa tuktok eh. Sinama n’ya tayo sa taas kaya ayan nakapagpagawa tayo ng bahay!” dagdag pa ni Vien.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
678
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *