Pat Velasquez-Gaspar Candidly Shares Post-Partum Anxieties as First-Time Mom

Higit tatlong linggo matapos isilang ang kanyang panganay na anak, inamin ni Pat Velasquez-Gaspar na gaya ng ibang first-time mom ay napa-praning din ito sa kalagayan ng kanyang unico hijo. 

Naka-relate naman ang mga netizens sa nararanasan ng Team Payaman vlogger at pinalakas ang loob nito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kani-kanilang “praning mommy moments.”

“Anxa ang Ina”

Sa isang Facebook post, pabirong ibinahagi ng Team Payaman vlogger ang kanyang karanasan na dalhin sa ospital si Baby Isla para sa isang biglaang check up. 

Ayon kay Mommy Pat, bagamat kausap na niya ang pediatrician ni Baby Isla ay pinilit pa rin nitong dalhin sa clinic ang anak upang makasigurong maayos ang kanyang kalusugan. 

Biglaang Check up ni Isla dahil anxa ang ina!” ani Pat kalakip ang selfie kasama si Isla at Daddy Boss Keng

“Ganito pala, kahit magkachat kami ng pedia ni Isla hindi ka panatag hanggat di niya nakikita,” dagdag pa nito. 

Pero paglilinaw ni Pat, nasa maayos na kalagayan ang kanilang unico hijo at walang dapat ipagaalala ang kanilang mga taga-suporta. 

“Okay lang si Isla, ang inaanxang ina ang hindi,” biro pa nito.

Relatable Mom

Samantala, nakisimpatya naman ang netizens sa pinagdadaanan ni Pat Velasquez-Gaspar at sinabing normal lang ito sa mga first-time mom. 

Lalaine Señido: madam darating ka din sa point na pag tulog ang anak mo tinitignan mo kung humihinga pa.  #LifeofAFistTimeMom

Sagot naman ni Mommy Pat, pinagdadaanan na niya ito at mayroon pang nakahandang stethoscope upang marinig ang tibok ng puso ni Baby Isla. 

Kanya-kanyang bahagi rin ng kanilang “anxa moments” ang mga first-time moms gaya ni Pat. 

EJ Balboa: “first time mom be like! ako ngayon kahit 2 years old na anak ko chinicheck kopadin minsan kung humihinga lalo na pag tulog sya HAHAHA!”

Timmy Nicole Cartago: “FTM here, nakakaanxa kapag hindi nagpoops baby mo ng 1/2 day hahaahahah tapos mababasa mo sa mommy’s group na yung ibang baby hindi nakakapoops ng 2 days. Hayss para na talaga kong mababaliw kahapon.”

Norelie Edquila – Igtiben: “Naalala ko nun..panay pa check-up ko sa first baby ko.. panay balik namin.. sabi ko hindi makahinga anak ko..parang may sipon.. sinabi ng doctor na ‘ok lang mommy anak mo.. kulangot lang po iyan’ kakahiya pero normal lang daw satin ang OA haist.”

Kath Regio

Recent Posts

Boss Toyo Braves Through Typhoon Kristine to Bring Aid to Storm Victims in Bicol

Sa kabila ng hagupit ng Bagyong Kristine sa bansa, partikular na sa rehiyon ng Bicol,…

18 hours ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Happily Share Their Dream Kitchen Journey

Kamakailan lang ay ipinasilip ng mag-asawang Cong TV  at Viy Cortez-Velasquez ang bagong tahanan ng…

18 hours ago

Help Typhoon Victims When You Shop During VIYLine 11.11 Bayanihan Sale

To celebrate this year’s 11.11 ultimate sale, VIYLine has prepared deals and discounts that you…

2 days ago

New Batch of Influencers You Should Meet at Team Payaman Fair: The Color of Lights 2024

The Team Payaman Fair craze is just around the corner, have you gotten yourselves a…

6 days ago

Team Payaman Kids Dress Up For This Year’s Halloween Celebration

Bilang selebrasyon ng Halloween, nakiisa ang patuloy na dumadaming chikiting ng Team Payaman sa inihandang…

7 days ago

Cong TV and Viy Cortez-Velasquez Celebrate New House With Family and Friends

Opisyal nang lumipat sa kanilang bagong tahanan ang mag-asawang Cong TV at Viy Cortez-Velasquez. Sinalubong…

7 days ago

This website uses cookies.