“Kung may itinanim, may aanihin!” ‘Yan ang pinatunayan ng rising Team Payaman vlogger na si Abigail Campañano-Hermosada, matapos makamit ang kanyang Silver Play Button mula sa YouTube.
Samahan si Mrs. Hermosada sa pagbubukas ng kanyang pinakahihintay na package na katas ng kanyang pagsisikap sa vlogging.
Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Kevin at Abigail Campañano-Hermosada ang mga manonood sa kanilang kadalasang gawain kapag umaalis ng bahay.
Umaga palang ay gumising na si Kevin para maghanda at sunduin ang kanyang asawa na nagbe-bake sa bahay.
Ayon kay Kevin, naghahanda ito para sa kanilang ireregalong sweet treat sa mga tatay sa Congpound para sa nagdaang Father’s Day.
At syempre hindi pinalampas ni Kevin ang pagkakataon na tikman ang ginawang Oreo Moist Cake ng kanyang asawa.
“Hmm sarap-sarap! Masarap s’ya pag unti-unti kaya nire-recommend ko na maliit na kutsara ‘yung gamitin n’yo sa pagkain,” ani Kevin.
Sa kabilang banda, naghahanda na si Abby para sa kanilang mga agenda para sa nasabing araw. Kasama sa kanyang mga gawain ay ang magpunta sa dentista kasama ang pamilya.
Sinulit nina Abby at Kevin ang kanilang lakad kung kaya naisipan na ring manood ng sine at kumain kasama ang ina at kapatid ni Abby.
Matapos ang kanilang bonding ay diretso bahay na sina Abby upang sabay-sabay buksan ang kaniyang pinakahihintay na package.
Sinama rin ni Abby ang kanyang mga manonood sa pagbubukas ng kanyang Silver Play Button package mula sa YouTube.
Aniya, matagal na raw itong dumating sa kanilang bahay ngunit ngayon lang s’ya nagkaroon ng pagkakataon upang mabuksan ito.
“I’m so happy na andito na sakin ‘to finally!” masayang bungad ni Abby.
All out and team Campañano-Hermosada family sa pagbubukas ng simbolo ng pagsisipag ni Abby sa vlogging.
“Ito na s’ya guys! Thank you so much!” reaksyon ni Abby.
“Congratulations, Ate Abby!” bati ng kanyang ina.
Watch the full vlog below:
The most wonderful time of the year is starting early! Prepare for a burst…
Isang kakaibang biyahe ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Boss Keng sa kanyang…
Mas naging masaya at mas makulit ang bagong vlog ni Clouie Dims matapos niyang makasama…
Kilala si Yiv Cortez bilang bunsong kapatid ni Viy Cortez-Velasquez, ngunit lingid sa kaalaman ng…
Ginulat ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang mga manonood nang ilabas niya…
Matapos ang ikapitong kaarawan ni Mavi noong Nobyembre, sunod namang ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez ang…
This website uses cookies.