Kevin Hermosada Reveals New Hobby, Influences Team Payaman Members to Try Card Games

Nakahihiligan ngayon ng Team Payaman vlogger na si Kevin Hermosada na mangolekta ng mga One Piece Card Games.

Dahil sobra siyang enjoy dito, sinubukan ni Kevin na idamay ang kanyang mga kaibigan sa Congpound. Magtagumpay kaya ito sa pambubudol?

Healing Their Inner Child

Sa kanyang bagong vlog, tinapat na ni Kevin Hermosada ang mga manonood na ang bago nitong kinahihiligan ay ang pangongolekta card games mula sa sikat na anime show na One Piece.

“I had fun, sobra. Kaya ang misyon natin ngayon ay hawaan ang Team Payaman sa pangongolect ng card at maramdaman muli ang dugo ng pagkabata,” kwento ni Kevin.

Una niyang binigyan ng munting regalo ang kaibigan na si Junnie Boy na nagdiwang ang kanyang kaarawan noong July 5. 

Let The Budol Begin!

Ayon kay Kevin, una nitong iimpluwensyahan ang kaibigan na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, sa pagbili at pagkolekta ng Manga Cards.

Inamin ni Kevin na sinadya niyang i-unbox ang bagong biling cards sa harap ni Burong upang maintriga ito.

Maya-maya lang ay nagtanong na agad si Burong kung saan nga ba makakabili ng mga nasabing anime collectibles.

Pagtapos ni Burong ay sinubukan namang impluwensyahan ni Kevin si Steve Wijayawickrama na dati nang fan ng Naruto. Nanlaki ang mga mata ni Steve nang makita ang game cards ng kanyang paboritong anime show.

Sunod sa listahan ni Kevin ay si Carding Magsino, naging malaking hamon itp para kay Kevin dahil hindi aniya mahilig sa gaming cards ang resident physical therapist ng Team Payaman. 

At syempre, hindi rin pinalampas ni Kevin na subukang impluwensyahan ang Team Payaman Headmaster na si Cong TV.

Sinimulan nito sa pag-aya kay Cong TV na buksan ang kahon na naglalaman ng booster pack. Hindi lang isa, kundi dalawa ang buksan nito.

“Saan nakakabili nito?” tanong ni Cong.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

19 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.