Cong TV and Viy Cortez Celebrate 8th Anniversary in Osaka, Japan

Sinalubong ng YouTube power couple na sina Cong TV at Viy Cortez ang kanilang ika-walong anibersaryo sa Osaka, Japan. 

Sa pinaka aabangang Japan travel vlog ni Viviys, ipinakita nito kung paano nila ipinagdiwang ang kanilang 8th and last anniversary bilang magkasintahan. 

Ayon sa 26-anyos na vlogger, ito na ang huli nilang anibersaryo bilang mag nobyo dahil sa susunod na taon ay tiyak na kasal na sila.

Pre-anniversary

Bago tuluyang salubungin ang kanilang anibersaryo ay iba’t-ibang trip muna ang sinubukan ng CongTViy couple. 

Una na dyan ay ang libutin ang Osaka sa pamamagitan ng pagmamaneho ng bisikleta. Sunod namang ipinasyal ng dalawa ang kanilang anak na si Kidlat at buong pamilya sa Universal Studios Japan.  

Binisita rin ng grupo ang iba pang tourist attraction sa bansa gaya ng Osaka Castle. 

“Kung may pera ako, may chance ako gumawa ng ganito, hindi ko sya bahay, hindi siya residential na bahay ko lang. Marami kasi akong pwedeng paggamitan ng pera na mas may makikinabang kesa pang sarili ko lang,” ani Viy Cortez.

“So kung ganito kalaki yung kaya kong gawing sarili kong bahay, ibig sabihn bilyon-bilyon yun, siguro ang gagawin ko na lang magpatayo ng underground na train sa Pilipinas,” dagdag pa nito. 

8th Anniversary

Samantala, pinaghandaan naman nina Cong TV at Viy Cortez ang kanilang annivesary OOTD na nagmistulang mga karakter sa isang Japanese drama. 

Bukod sa wine date ay sinamantala rin ng dalawa ang magandang tanawin sa Japan at tila nag practice na para sa kanilang pre-wedding photoshoot. 

Sa mismong araw ng kanilang anibersaryo ay sinubukan ng dalawa na kumain sa mga fine dining restaurant sa Japan, ngunit nabigo sila at nauwi sa isang Takoyaki stand. 

“Okay lang, gusto ko naman ‘to (Takoyaki)  eh!” ani Viviys. 

“Saka gustong-gusto naman kita!” sagot naman ni Cong. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Netizens Applaud Cong TV’s Simple Yet Memorable Bonding with Kidlat

Muling kinaaliwan ang father-and-son duo na sina Cong TV at Kidlat matapos nilang ibahagi ang…

1 day ago

Dudut Lang Launches First-Ever ‘Dudut’s Kitchen Awards’

Tuloy-tuloy ang pagpapakitang-gilas ng resident chef ng Team Payaman na si Jaime Marino De Guzman,…

2 days ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Family’s Intimate New Year’s Eve Celebration

Matapos ang pasko, bagong taon naman ang sunod na ipinagdiwang ng pamilya Iligan-Velasquez sa loob…

2 days ago

Junnie Boy Embraces Daddy Duties and Family Life in Latest Vlog

Sa paglipat ng pamilya Iligan-Velasquez sa kanilang bagong tahanan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Tita Krissy Achino Face Zeinab Harake-Park’s ‘Don’t Flinch’ Challenge

Isang pasabog ang dala ni Zeinab Harake-Parks sa kaniyang recent YouTube vlog kung saan hinamon…

3 days ago

Double the Charm: Tokyo Athena and Kidlat Steal Hearts in Recent Milestone Shoot

Mas dumoble ang saya at kakulitan sa ninth month milestone photoshoot ng magkapatid na Tokyo…

3 days ago

This website uses cookies.