Kevin Hermosada Reveals Inspiration Behind New Single ‘Tulog’

Isang napakaganda at nakaka-kalmang kanta ang inilabas ng bandang Libre na pinamagatang “Tulog.”

Sa ekslusibong panayam ng VIYLine Media Group (VMG) sa lead vocalist ng banda na si Kevin Hermosada, ibinunyag nito ang inspirasyon sa likod ng nasabing kanta.

“Tulog” by Libre

Ang kantang “Tulog” ay inilabas ng bandang Libre sa iba’t-ibang digital streaming platforms gaya ng YouTube Music at Spotify.

Walang pag-aalinlangang ibinahagi ni Kevin sa VMG ang kwento sa likod ng bagong single na dapat sana ay kanta n’ya para sa misis na si Abigail Campañano-Hermosada.

“Nasulat ko yung song kasi habang magkausap kami ni wife sa video call noon, and inaantok na s’ya. Sabi n’ya kantahan ko daw s’ya and nag end up na kinantahan ko s’ya ng song na on the spot kong nakanta,” kwento ni Kevin.

Tinuloy n’ya ang pagsulat ng lyrics ng nabuong kanta at natapos ito sa loob lang ng kalahating oras. Samantala, isang buwan naman ang inabot bago makumpleto ng kanilang banda ang full song arrangement. 

“Tinuloy ko yung sulat and nung natapos ko s’ya, naisip ko yung mga kaibigan ko na may pinagdadaanan ngayon. Ang kantang ito na nabuo ay patungkol lang sa pagyakap sa kaibigang nangangailangan.”

Listen Now!

Ito na ang sign para pakinggan ang “Tulog” by Libre na mapapakinggan sa lahat ng digital streaming platforms gaya ng YouTube Music at Spotify.

Ayon pa kay Kevin, bukas ang kanilang banda sa kolaborasyon sa iba’t-ibang record labels sa bansa kaya naman nakatutok sila ngayon sa paggawa ng mga bagong kanta.

Maari din aniya silang imbitahan sa mga gigs o live performance upang maibahagi ang kanilang musika.

Iniimbitahan din ni Kevin Hermosada ang mga nais mapanood ang kanyang banda sa darating na July 30 sa Unknown 13 Pub Bar sa Quezon City!

Yenny Certeza

Recent Posts

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

1 day ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

2 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez and Dudut Lang Pairs Up To Cook ‘Pastil’

Food trip overload ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at Dudut Lang sa kanilang ‘Luto Mo,…

2 days ago

Is Burong Macacua Saying Good Bye To Congpound?

Bukod kina Boss Keng at Junnie Boy, napagdesisyunan na rin ni Burong na lumipat ng…

2 days ago

This website uses cookies.