Vien Iligan-Velasquez Joins Team Payaman Moto Club in Tuguegarao City

Solo Team Payaman girl ang peg ni Vien Iligan-Velasquez matapos sumama sa lakad ng Team Payaman Moto Club sa Tuguegarao City sa Cagayan. 

Bumiyahe ang grupo ng higit limang daang kilometro upang makisaya sa isang music festival sa SM City Tuguegarao. 

Saling Ket-ket

Masayang ibinahagi ni Vien sa kanyang bagong vlog ang paglalakbay nito patungong Tuguegarao City kasama ang Team Payaman Moto Club.

Pero imbes na umangkas sa motor ng kanyang mister na si Junnie Boy, bumiyahe sakay ng eroplano si Mrs. Velasquez. 

“Naki saling ket-ket ako sa Team Payaman!” biro ni Vien.

“Meron silang trip, pero nag-motor sila. Pero ako naman po is sumakay ng eroplano,” dagdag pa nito. 

Kwento ni Vien, higit dalawampung oras na biyahe sakay ng motor ang tinahak ng TP boys mula Maynila hanggang Tuguegarao City. 

Pagdating sa nasabing music festival ay masayang pinaunlakan ng buong tropa ang ilang fans ng selfie at autograph signing. 

Dito rin nagpa-sample ng live “Boy, meron akong kwento” joke si Junnie Boy. 

Tuguegarao Trail Ride

“Walang sisihan pag di kayo natawa ha?” biro ni Cong TV sa mga manonood. 

Kinabukasan ay nag trail ride naman sa Tuguegarao ang TP Moto Club gamit ang kani-kailang motorsiklo kasama si Vien. 

Bagamat nakakapagod ang nasabing trip ay labis-labis naman ang pasasalamat ni Vien Iligan-Velasquez sa mainit na pag tanggap sa kanila ng mga tao sa Tuguegarao City.

“Thank you so much nga pala sa organizer dahil grabe, sinamahan talaga nila kami sa lahat ng trip na ginawa namin kahapon dito sa Tuguegarao,” ani Vien. 

“And maraming maraming salamat sa Tuguegarao City kahit saling ket-ket ako!” dagdag pa nito. 

Dahil talaga namang na-enjoy ni Mommy Vien ang nasabing adventure, sinubukan nitong yayain ang mister sa iba pang long-ride at iminungkahi na pumunta ng Sagada. 

Saan nga kaya ang susunod na biyahe ng Team Payaman Moto Club?

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Vien Iligan-Velasquez Champions Confidence Amidst Battle with Hormonal Acne

Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…

15 hours ago

Spend The Weekend At Viyline MSME Caravan SM City San Pablo

Nowhere to go this weekend? Since payday is just around the corner, why not treat…

2 days ago

Bring Out The Ninong Ry Fan In You With His Official Merch

A Filipino chef and content creator, Ryan Morales Reyes, a.k.a. “Ninong Ry”, has released his…

2 days ago

Empowering WomENPLOYEES: Viyline Celebrates International Women’s Month

As the International Women’s Month celebration comes to a close, Viyline Group of Companies honors…

3 days ago

This Is How Yiv Cortez Maintains Her Youthful Glow

Hindi maitatanggi na isa ang Team Payaman Next-Gen vlogger at nakababatang kapatid ni Viy Cortez-Velasquez…

3 days ago

Top Places to Visit in Taiwan: Alex & Mikee’s Fun-Filled Taipei Adventure

Isa ang bansang Taiwan sa mga binibisita ng mga mahilig sa food trip, adventure, o…

4 days ago

This website uses cookies.