Bago tuluyang isilang ang pinaka bagong miyembro ng Team Payaman, back-to-back na surpresa muna ang sumalubong kay Pat Velasquez-Gaspar.
Bukod kasi sa biglaang date kasama ang asawang si Boss Keng, sinurpresa rin ito ng buong Team Payaman ng isang baby shower para kay Baby Isla Patriel.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Pat ang kanilang movie date ni Boss Keng. Ayon sa soon-to-be mom, bumabawi ang kanyang asawa ng quality time matapos itong mawala para magtrabaho ng halos dalawang linggo.
“So ngayon pwede na akong manganak anytime, pero may isa dyan na nag-aya sya mag-date kasi gusto daw niyang bumawi sa’kin. And ito na daw yung aming last date before lumabas si Isla Boy,” paliwanag ni Pat.
“Last date before maging parents,” dagdag ni Boss Keng.
Ang nasabing date ay nagsilbi na rin aniyang 14th anniversary date nila bilang magkasintahan.
Habang nanonood ng sine, lingid sa kaalaman ng soon-to-be mom ay naghahanda na ang buong Team Payaman para sa surprise baby shower para kay Isla.
Nagtulong tulong ang TP boys and girls sa set up ng party na ginanap sa Congpound. Ilang sandali pa ay umuwi na ang mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar at laking gulat nila sa dinatnang pasabog ng tropa.
“Thank you! Nagulat ako Na-touch naman ako, thank you guys!!” ani Pat.
Syempre hindi kumpleto ang baby shower kung walang palaro para sa mga tito at tita ni Baby Isla.
“Maraming salamat po sa pagpunta nyong lahat, mga kapitbahay! Sabay-sabay po tayong mag-panic pag manganganak na po ako,” biro ni Pat.
Samantala, nagbigay naman ng kani-kanilang payo at mensahe ang mga mahal sa buhay nina Pat at Keng para sa nalalapit na panganganak.
Vien Iligan-Velasquez: “Ang payo ko lang sa inyo is maging lakas nyo si Isla sa relasyon nyo.”
Junnie Boy: “Maraming nakakapagod na gabi, lalo sa unang labas nung bata, mapupuyat kayo, pero naniniwala ako na kaya nyo yan.”
Venice Velasquez: “Ang hiling ko lang sana maging safe yung delivery mo, normal man yan o cesarean.”
Viy Cortez: “Alam kong magiging magaling at mabuting magulang kayo kay Isla. Nandito lang ako palagi, kami ni Cong, kung may kailangan kayo.”
Cong TV: “Hanapin nyo pa ang pagiging best version of yourselves kasi pag nahanap nyo yon, tiyak ganun din si Isla.”
Watch the full vlog below:
Baby Tokyo Athena is finally here! March 30, 2025, sa ganap na 1:00 ng hapon,…
Isa ngayon ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez sa mga hinahangaan ng netizens…
The summer season is here, and you know what that means—long days under the sun,…
Kamakailan, naging matagumpay ang kauna-unahang ‘Talpukan Tournament’ ng Las Piñas Beybladers X sa Robinsons Las…
A few hours after its release in the market, Viyline Skincare Sunshade, a tinted sunscreen,…
Aside from the intense heat and sweat the summer season brings, it also sets the…
This website uses cookies.